十 Gaolbreak (II)

50 4 8
                                        

I made a few changes sa PROLOGUE. But don't worry, it won't change the flow of the story. By the way, I changed the cast :)

Recap :

Narinig ko ang mga yapak niyang papalapit sa akin. Paglingon ko sa kanya ay bigla siyang ngumisi at nagkibit balikat.

"I guess, you're ready for tonight."

. . .

GAOLBREAK (PART II)

Mag-isa lang ako ngayon sa kwarto at matamang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Nakasuot ako ng skinny jeans at long sleeves na itim. Ito ang damit na pinili ni Aeron. Mas hindi daw ako makikita at mahuhuli sa gagawin namin mamaya kung maitim ang suot ko. Sakto rin sa porma ko ang combat boots.



Tinignan ko ang orasan sa dingding at huminga nang malalim. Alas dose na ng gabi, ilang oras mula nang matapos ang usapan namin nina Chandler. At ilang minuto na lang bago kami umalis. Hinawakan ko ang baril na nakatago sa holster na nasa likod ng pantalon ko. Kinagat ko ang labi upang kalmahin ang sarili. Habang tumatagal, mas kinakabahan ako.



Hindi ako makapaniwala na gagawin ko na talaga ito. Pangalan lang ang alam ko tungkol kay Marah, wala nang iba pa. Ni hindi ko nga siya nakita sa personal o nakausap lang man, but I should risk my life and end other's just to fucking save her from that hell hole. Hindi sapat ang isang simpleng salamat bilang kapalit ng gagawin namin.



Sinuklay ko ang buhok at itinirintas, sakto namang bumukas ang pinto. Natigilan ako at nanlaki ang mata sa pumasok. Sa lahat ng tao, siya ang hindi ko inaasahan na pupunta dito.



Umismid siya nang makita ang reaksyon ko. "Gusto ko lang sabihin na iiwan ka na namin dahil sa katagalan mo." malamig niyang sinabi at humalukipkip. Pinasadahan niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo.



Natauhan naman ako agad at tinapos ang pagtirintas sa buhok ko. "Ever heard of knocking? At bakit ba ikaw yung nandito? Si Chandler ang inaasahan kong pupunta dito." iritadong sagot ko kay Vicinity.



Ngumisi siya at tinaasan ako ng isang kilay. Hindi ko maiwasan ang pagmasdan siya. Nakasuot siya ng long sleeves at shorts. Parehong kulay itim ang mga damit namin.





"Tough luck bitch. Hindi ito katulad ng mundo mo dati na lahat ng gusto mo nasusunod." mapait na sagot niya sa akin. Hindi nakaligtas sa paningin ko na mukha siyang nasaktan sa sinabi. But it was gone after a few seconds.



Napakunot ang noo ko at nawala sa isip ang sinagot niya sa'kin. What was that for? Anong meron sa sinabi niya at siya pa ang nasaktan? I don't understand this girl.



Hindi sinasadyang napatingin ako sa mga mata niya. Uminit bigla ang dibdib ko. I can't help but feel something in there. Her eyes are so familiar, but I can't remember kung saan ko ito nakita. It feels weird, dahil habang tinitignan ko ang mga mata niya ay gumagaan ang loob ko. And the reason is still unknown.



Napansin niya siguro ang mga titig ko. Mabilis siyang na tumalikod sa akin at naglakad papunta sa bukas na pinto. Hindi man lang siya lumingon nang magsalita ulit.



"Hurry up, princess. Kapag hindi natuloy ang plano na 'to, it will be your fault." bilin niya at lumabas na ng kwarto.



Mabilis kong hinablot ang itim na hoodie sa kama at tumakbo palabas. Ni-lock ko agad ang pinto at sinuot ang hoodie. Tinignan ko ang buong paligid. Tahimik ang buong pasilyo at tanging kami lang ni Vicinity ang nandito. Nagkibit balikat na lang ako, siguro may mga sariling gawain ang mga tao dito.



ENTRANTМесто, где живут истории. Откройте их для себя