Chapter 9: I'm coming home

3M 66.2K 23.7K
                                    

STACEY

After four months...

"Umuwi ka na rito bukas."

"Ayoko pa nga, Dad. I'm still enjoying my stay here e," nag-pout pa ako, as if makikita ako ni Daddy na kausap ko sa phone!

"Sige kung hindi ka uuwi, ipapa-stop ko 'yang credit cards mo. Understood?!"

Binabaan niya agad ako ng phone. Paano ako mag-e-enjoy rito kung wala akong pera?! Konti lang pera ko sa savings ko ngayon dahil kakabili ko lang ng bagong condominium sa Seoul. Bad trip! Mapapauwi na talaga ako bukas. Napatingin ako sa harap ko. Nakita ko na siya.

Papalapit na siya sa akin. Ibang-iba na siya kumpara sa dati, sa dating Candice. Iba na 'yong aura at dating niya. Iba na 'yong confidence na dala-dala niya ngayon. She's fiercer now. Well, I guess, nagbunga naman 'yong plano ko na baguhin siya. Aba! Nagpakahirap ako do'n 'no! Hindi lang na-haggard ang beauty ko, na-stress.

"Hi, Bee! Kanina ka pa?" Nginitian ko siya.

"No, you're just in time. Sa'n ba tayo pupunta?" Ngumiti rin siya sa 'kin. Ang mga magaganda, tingin at ngitian pa lang, alam na nila kung anong ibig sabihin no'n. "I know what you're thinking, Bee." Ayan na naman siya sa plano niya.

"May show siya ngayon, so ano? Let's go?" Hinila niya ako patayo without even asking for my permission. "I'm so excited."

Pasalamat siya, best friend na kami dahil kung hindi, baka nasampal ko na siya sa magkabilang pisngi niya dahil paghila sa 'kin. I'm the Queen Bee, I shouldn't be treated like this. Tanging si Candice lang talaga nakakagawa nito. Siya na 'ata 'yong Queen Bee sa 'ming dalawa e. Princess na lang ako. Joke lang syempre. Walang papalit sa 'kin.

Habang naglalakad kami papunta sa kotse niya, pinagtitinginan kami ng mga tao. Well expected ko na 'yon. Gano'n talaga kapag maganda ka, pinagtitinginan at nililingon ka. Sanay na naman ako sa ganyan e! Syempre ayoko rin i-deny na mas pinagtitinginan nila si Candice. Sino bang hindi titingin sa kanya? Sa ganda niya na 'yan.

Hindi lang naman ugali ang nagbago sa kanya, pati na rin pananamit niya. Nasanay kasi siya sa mga damit na hindi masyadong nag-e-expose ng balat. Kung tutuusin, ang kinis ng balat niya at sobrang ganda ng legs niya. Ngayon nga parang mas sexy na siya sa 'kin. Ang taas na rin ng confidence niya. Malapit na niya akong matalbugan e, konti na lang.

"Stacey, sabi ko naman sa 'yo, bawasan mo 'yang kagandahan mo. Pinagtitinginan ka tuloy nila." Inasar pa niya ako. As if ako talaga 'yong tinitignan nila. Nahawa na rin siya sa kabaliwan ko e.

"Ikaw, Candice, ang dapat magbawas. Nakakahiya naman sa 'yo, halos maglaway na 'yong mga lalaki kakatingin sa 'yo." Tumawa siya nang mahina.

"Shut up, Bee." Pareho kaming tumawa, tawa ng mga magaganda. Pero alam mo 'yong ang ganda na sana ng atmosphere kaso may umepal?

"Hoy, ikaw!" Pareho kaming napalingon sa babaeng sumigaw. "Ikaw na naka-red!" Lumapit siya sa 'min. Naka-black ako at si Candice 'yong naka-red.

"Anong problema mo? At masyadong kaming maganda para maging 'hoy' ang pangalan namin!" Tinaasan ko agad siya ng kilay. How dare this ugly girl raise her voice on us? Wala siyang galang kahit pa Pinoy siya. "Gusto mo ba ng away?"

"Shut up, bitch. I'm not talking to you!" Ouch. What the hell? Napahiya ako do'n ah. Lumapit ako sa kanya para sabunutan at sampalin siya pero pinigilan ako ni Candice.

"Ikaw 'yong may kailangan sa 'min 'di ba? So don't be a bitch kasi mas bitch 'tong kinakausap mo. Anong gusto mo ha?!" Tinaasan niya rin ng kilay 'yong pangit na babaeng 'yon. Nakakatakot na 'yong itsura ni Candice.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon