-30-

57.7K 2.2K 804


NAKAYUKO lamang ako habang nasa harapan ng hapag-kainan. Sumasakit pa rin ang ulo ko dahil na rin sa dami ng alak na nainom ko kagabi. Bagama't maaga akong umuwi kaysa sa iba, ako yata ang pinaka nalasing.

"How's your head, Cherinna?" tanong sa akin ni Daddy. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Uhm, medyo okay na po. Masakit lang at—"

"I told you not to drink too much. What happened?" putol niya sa sinasabi ko. Kinabahan naman ako sa naging tono ng pananalita ni Daddy. We always say he's really snob, because he is. Pero alam namin na ganoon lang talaga si Daddy. He's the calmest person I know, too. Hindi naman siya strict sa amin, pero lagi niya lang din kaming pinapaalalahanan.

"Love," hinawakan ni Mommy ang braso ni Daddy na tila pinapakalma ito. Nilingon ni Daddy si Mommy. "Nagtatanong lang ako, Ai."

"Sorry po, Daddy. It won't happen again," napayuko akong muli. Wala akong ganang kumain sa totoo lang. Pero alam ko na mas magagalit si Daddy kung hindi ako sasama sa almusal kaya pinilit ko na lamang na bumangon.

"Ang buong akala ko, si Aly ang uuwi na naman na maraming nainom," komento naman ni Mommy.

"Mom, normal pa akong nakauwi kagabi," ani Alyn a nakangisi. "Hindi naman marami ang ininom ko, eh. Hindi ko lang napansin na naparami ang inom ni Twin at—"

"You're grounded, Cherinna."

Muli akong napatingin kay Daddy. Seryosong nakatingin siya sa akin.

"Love, it's the first time that Cherinna got drunk. Just let it pass and—"

"I said she's grounded, Ai," malamig na sabi ni Daddy dito. Tumingin naman sa akin si Mommy. Alam ko na hangga't maaari, ayaw ni Mommy na nagagrounded sino man sa aming tatlong magkakapatid. Pero kahit naman laging pinagbibigyan ni Daddy si Mommy, kapag seryoso na si Daddy, wala namang magagawa si Mommy. He's still the head of the family.

"You're not allowed to go out for a month, nagkakaintindihan tayo? No Sweet Desire, no Ai's, no Blue's Haven. You'll go to school and you'll go straight here," bumaling muli sa akin si Daddy. Tumango naman ako sa kanya. "I understand, Dad..." muli akong yumuko sa pagkain ko. Wala namang kaso sa akin ang parusa na iyon. Hindi naman ako palaging umaalis. Kung nagpupunta man ako sa mga lugar na binanggit ni Daddy, laging kasama ko sina Aly.

"Dad, kahit sa Ai's?" tanong ni Aly kay Daddy.

"Do I have to repeat myself, Alyanna?" Daddy asked my Twin. She shook her head and frowned. Hinawakan ko naman ang kamay niya na nasa ilalim ng mesa. Alam ko na sinusubukan niya na makagawa ng paraan na lumabas ako pero kung ako ang papipiliin, ayoko na rin muna.

Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain kahit na tila mas gusto ko na lamang humiga sa kama ko at ipikit ang mga mata ko.

"Si Jahann ang naghatid sa'yo kagabi, Cherinna?"

Nabitin sa ere ang hawak kong kubyertos nang magtanong si Mommy. Umangat ang tingin ko sa kanya.

"Ye-yes, Mom. Uhm, I was really dizzy last night and..." napalunok ako. "And Jahann saw me and brought me here..." kinagat ko ang labi ko.

Damn those memories. Hindi ako tinitigilan.

Mula nang magising ako ay iyon na ang alalalang bumubungad sa isip ko sa tuwing babalikan ko ang nangyari kagabi sa Blue's Haven.

"Good thing was Jahann's there. At least, naiuwi ka ng safe ng kapatid mo," malumanay namang sabi sa akin ni Mommy.

"Opo," napayuko akong muli.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!