Waitingforyou

7 1 0

*Emerald's Pov*

"Wala kang silbi! Hinayaan mo lang siyang mawala?! Nasaan siya?"–nakita ko si Hagerius na nakatali ang kamay at pinaghahahampas nang napakahabang latigo.

Punong puno na nang Pasa at Dugo ang kanyang katawan. Gawa nang pagbugbug at paglalatigo sa kanya.

"Wala kang kwenta!"–hinampas na naman siya nang latigo. Nagsisitalsik na ang kanyang mga dugo. At bumubuhas sa kanyang perpektong katawan.

Ang aking mahal.. Ang mahal kong si Hagerius.. Sinasaktan siya..

*plak!*

*booogsh!*

*plak!"

Naririnig ko ang bawat pag hampas at pag suntok nang aking Amang hari sa aking mahal na ngayuy hirap na hirap na.

"Tama na!! Tama na!"..Nilapitan ko ang aking ama..

Peru tila di siya nakikinig, wala aiyang naririnig.

"Hagerius.. Lumaban ka! Wag kang papatalo.. Malakas ka.."–sigaw ko kay Hagerius peru tila wala naman siyang naririnig.

"Hagerius..Isa kang taksil! Wala kang ipinagkaiba sa mga hampas lupa ! Isa kang mandirigma! Sige! Lumaban ka! Tingnan natin yang tapang mo!"–sigaw nang aking ama na ngayuy itinataas na naman ang latigo at handa nang humampas uli.

"Ama! Tama na! Ama!"–sigaw ko nang nagmamakaawa at may umaagos na Luha.

Patuloy parin niyang sinasaktan si Hagerius..

"Ama, Tama na!!!"–napamulat nalang ako at at bumangon..

Napakasamang panaginip.. Napahawak nalang ako sa dibdib ko..
Mahagip ko ang kwentas na suot ko.

Hinawakan ko ang pendant.

"Hagerius.. Okay ka lang ba? Lagi nalang kitang napapanaginipan ehh..sana naman ay nasa mabuti kang lagay ngayon.. Sana hindi totoo ang panaginip ko.."malungkot kong kausap sa hangin.. Nakatanaw lang ako sa labas nang bintana..

Sana nandito ka.. Maayos ..
Ligtas..

Kasama ko..

Miss na miss na kita..

Hanggang ngayon di parin kita makalimutan.
Di ka mawalawala sa isip ko.

Mahal na mahal parin kita..

Patawarin mo ako kung di ako tumupad sa pangako ko na magiging masaya na ako.

Hindi ko lang kasi kayang sumaya nang wala ka..

Ikaw lang yung kailangan ko. Ikaw yung ligaya ko.
Ikaw lang yung mahal ko..

Hagerius..

Hagerius!

"Hagerius..."–napaluha nalang ako dahil sa wala naman akong magawa.
Di ko ma siya nakikita.
Wala akong magawa kundi ang umasang susunod siya.

Na andyan na siya.

Na ako ang pinili niya.

Na ako parin ang mahal niya.

Na hinahanap hanap niya parin ako.

Na proprotektahan niya ako.

Na gagabayan niya parin ako.

Na sasamahan niya ako.

Na Ang TANGING PRINSESA NIYA parin ay AKO.

Kasi kung sabihin mang...

sa aming Uri AKO ay nasa IBABAW at siya namay nasa IBABA lamang.

Wala naman akong pakialam.
Ang mahalaga sakin. Yung ako lang yung mahal niya.
Na ako yung mahal niya.
Na kakayanin namin LAHAT nang ito..
Basta MAGKASAMA lang kami.

Sana nga..

Sana nga..

Puro nalang ako ASA..

Umaasang susunod siya..
Umaasahang mahal parin niya.
Umaasahang kami talaga.

Hanggang kailan nga ba ako aasa?

Dahil kung kailan kong hintayin siya.
Kakayanin ko naman.
Basta bat darating siya.

Natulog nalang ako uli..

Inaantok pa ako .. Haaaaayyy.

*pikitmata*

"Prinsesa..prinsesa..gising.."–narinig ko ang naghihikahos na boses.

Tinig ba yun ni Hagerius?

Kaya napadilat ako..

"Prinsesa.."–tumingin ako sa bintana nang aking kwarto nang makita ko ang duguan, at nahihirapan kong Mahal..

Si Hagerius.

"Ha-hagerius.."–naiiyak kong bigkas nang kanyang pangalan. "Hagerius..sumunod ka.."–napatayu ako at nilapitan si Hagerius na nakahawak  sa kanyang nagdurugong dibdib.

"Anong nangyari sayu? Sinong gumawa nito? Bakit ka nagkaganito?"–sunodsunod kong tanong.

"Prinsesa..nanganganib ka..papatayin nila tayung pareho..Pupunta sila dito.. Susundan nila tayo.. Peru kung babalik tayong dalawa sa Mundong iyon..papatayin nila tayu.. Prinsesa.."–lumapit siya sa akin..at hinawakan niya ang kaliwa kong pisnge."mahal na mahal kita..at di nawala ito..patawarin mo ako.."–saka ko siya niyakap.

"Hagerius..akala ko di na kita makikita,akala ko di mo ako susundan dito. Pasensya na kana kung sumuko ako agad..akala ko talaga ..ayaw mo na sakin.."–iyak ako nang iyak na nakayakap sa kanya.

"Prinsesa.. Nababahiran kana nang dugo ko.. Tsaka.. Napaka hapdi nang aking mga sugat.."–nataohan naman ako at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Pasensya kana.. Nanabik lang kasi akong mayakap ka.. Namiss kasi kita nang subra..sino ba kasing gumawa sayo nito? Ang lupit naman nila!"–nakakunot-noo kong sabi.

"Ang Ama mo.."–nagulat naman ako.

"Ang aking ama nga ba? Hmm. Hindi na ako magtataka.. Kasi alam ko namang kaya niya talagang gawin yun.kahit na sakin.."–sabi ko.."peru bakit niya naman gagawin sayu yun? Ehh diba? Ikaw naman ang pinakatitiwalaan nang aking ama? May nagawa ka bang masama?"–dagdag ko nang kumuha ako nang first aid kit sa Drawer ko.

"Wala naman.. Peru para sa kanya masama ang malaman niyang isa pala akong prinsepe.."–nilinisan ko ang sugat niya..

Eternal Incantation(completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!