Chapter 47: Kill Me

Third Person’s POV 

“Gusto mo akong patayin hindi ba? Gawin mo na” nakangiting sabi ni Van. Kita niyang nanginginig ang kamay ni Kisha habang hawak ang espada. Rinig din niya ang mabilis nitong paghinga, indikasyon na kinakabahan din siya...

“Gusto mo na talagang mamatay ano? Sabagay, ‘yun naman dapat talaga ang mangyari sayo at sa buong angkan mo. Hindi na dapat kayo nabubuhay sa mundong ‘to. Wala kayong lugar dito dahil para lamang sa mga tao ang mundong ito” puno ng galit na sabi sa kanya ni Kisha. Napailing naman si Van sa naririnig niya sa dalaga...

“Hindi ka ganyan manalita noon Kisha. Para sayo lahat ng bagay sa mundo ay pantay-pantay. Hindi mahalaga sayo kung bampira pa o tao ang nasa paligid mo. Hindi ikaw ‘yung klase ng tao na papatay dahil sa galit. Nagkaroon ka lang ng malakas na kapangyarihan nagbago ka na? Hanggang saan ka ba makakarating dahil sa kapangyarihang hindi naman talaga dapat sayo?” 

“Kahit ano pang sabihin mo, papatayin pa din kita”

Hinawakan ni Van ang espada ni Kisha at humarap dito. Itinutok niya ito sa sarili niyang leeg at tumingin sa mga mata ni Kisha...

“Patayin mo na ako. Binibigyan kita ng permiso na patayin ako”

Hindi makapagsalita si Kisha. Nagtatalo ang isip at puso niya. Hindi niya alam na may puso pa pala siyang kokontra sa gagawin niya. Wala na siyang nararamdaman para kay Van kundi galit lamang pero kumokontra pa rin ang puso niya kahit na isip niya lang naman ang gusto niyang paganahin...

“Kisha, patayin mo na ako, kung ‘yun ang ikakapanatag ng loob mo”

Pero binitawan ni Kisha ang espada at hinayaang mahulog ito sa lupa. Itinaas niya ang kanyang kamay at isang malakas na sampal ang inilapat niya sa pisngi ni Van. Nanginginig pa rin ang kanyang kamay at agad na tumalikod sa binata. Napamura na lamang siya sa kanyang isipan. Pagkakataon na niyang patayin ang binatang kinamumuhian niya pero hindi niya pa rin nagawa. Huminga siya ng malalim at lumakad na palayo pero napatigil siya ng may kalimutan pa siyang sabihin...

“Hindi muna kita papatayin sa ngayon pero sa susunod na magkita ulit tayo, hindi na ako magdadalawang-isip na patayin ka” pinagpatuloy ni Kisha ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa kanyang kotse at agad na sumakay dito. Hindi na niya pinansin ang mga walang buhay niyang kasamahan at si Ivan na sunog na ang kanang bahagi ng kanyang pisngi dahil sa asido ni Wade. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan paalis sa lugar na iyon...

Nang makalayo na siya ay itinigil muna niya ang kanyang kotse sa isang tabi at iniuntog niya ang kanyang noo sa manibela ng sasakyan habang mahigpit na nakakapit dito. Paulit-ulit niyang iniuntog ang kanyang ulo sa manibela habang minumura ang sarili niya dahil sa katangahang ginawa niya. Dapat pinatay niya na si Van, ano nga bang kahibangan ang ginawa niya at hinayaan pa niya itong mabuhay?

“You’re so stupid!! Damn it Kisha! You should have killed him!! What are you doing?!” para siyang baliw na kinakausap ang sarili niya. At ‘yung mga bampira kanina. Bakit kung makapagsalita sila parang kilalang-kilala siya ng mga ito? Kahit anong pilit niyang halungkatin ang kanyang isipan ay wala siyang maalala na kahit ano. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang patayin si Van, kumbaga para siyang robot na nakaprogram lamang sa kanyang isipan ay kitilin ang buhay ng mga bampira at wala ng iba pa...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!