Title: Soo White and The Seven Gheis

Genre: Comedy, Crackfic

Warning: Pawang kalandian, kabaklaan, murahan at kalokohan ang mababasa. Kaya kung inosente ka, maaari ka ng umalis.

***

Sa malayong kaharian ng unicorns...

May isang prinsesang nagngangalang Soo White. Ubod siya ng ganda. Oo, punyeta, lahat ng kalalakihan ay nahuhumaling sa kanya. Lalong-lalo na sa hugis puso niyang labi na pinapangarap halikan ng mga lalake at sa maganda niyang boses na talagang nakakaakit...

Pero may isang deputang insekyora sa kagandahan niya, si Reyna Junmoney. Pangalan pa lang niya ang yaman na! Ubod din siya ng kagandahan kagaya ni Soo White pero hanggang saan nga ba aabot ang kagandahan niya? 

"Baba, baba, on the wall, who's the fairest of them all?" tanong niya sa lalakeng mahaba ang baba na nakadikit sa dingding. Naiimagine niyo ba? Kung hindi, ay puta, mag-isip na lang kayo ng baba sa dingding...

"Si Soo White na po kamahalan. Masyado ka ng matanda para maging fairest sa kahariang ito" hindi nagsisinungaling si Baba in the Wall, kasi once na magsinungaling siya. Fota, mas lalong hahaba ang baba niya.

"OH HINDEEEEE! HINDI AKO PAPAYAG!" may luhod effect pa at hawak sa ulo si Reyna Junmoney. "Kailangang mabura sa landas ko si Soo White! Yes, kaya ko 'yung gawin! I can buy all the clubs *tingin sa narrator*, you and your friends!" Ay putangina pati ako nadamay? So ayun nga, gumawa ng paraan si Reyna Junmoney para patayin ang inosenteng si Soo White. 

Dahil putangina lang, ILANG BB CREAM ANG NAGAMIT NIYA SA MUKHA NIYA TAPOS SASABIHIN NG NYETANG BABA IN THE WALL NA 'YUN NA HINDI NA SIYA ANG FAIREST?! GOSH! 

"Soo White, ipangahoy mo nga ako ng panggatong" Muntangang utos niya sa dalaga habang namimitas ito ng bulaklak sa hardin ng kaharian....

"Bakit po? Wala na po bang panggatong?" nagtatakang tanong ng dalaga...

"Ay malamang! Kaya nga pinapangahoy kita di ba? Jusko! Ang gandang babae, ang tanga tanga!" 

Napatungo na lang si Soo White at sinunod ang sinabi ng Reyna. Ang dami namang katiwala sa palasyo, ako pa ang pinakuha, isip niya. 

Lumakad na si Soo White para mangahoy na siya lamang mag-isa at habang naglalakad si Soo White sa kakahuyan ay may nakasalubong siyang matanda na may dalang basket ng mansanas. Hindi na sana niya ito papansinin pero kinausap siya nito...

"Apo! Baka gusto mong tikman ang mansanas ko?" lumapit ang matanda at kumuha ng isang mansanas sa kanyang basket...

"Hindi po kasi ako nakain ng mansanas" SAGING KASI ANG PABORITONG PRUTAS NI SOO WHITE. Gustong-gusto niya yung mataba, mahaba at malaking saging. Ayaw niyang kumain ng ibang prutas kundi saging lang...

"Naku! Masarap ito! Tikman mo na dali!" Putangina mo Soo White, kapag di mo tinanggap 'tong mansanas isusungalngal ko 'to sayo. Hindi alam ng dalaga na ang Reyna pala yung matanda at nagdidisguise lang.

"Sorry po. Hindi talaga ako kumakain nyan" ngumiti si Soo White at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ang sakit mo naman sa damdamin apo. Gusto ko lang namang ipatikim sayo ang mansanas ko" kunwari'y umiiyak ang matanda. HAHAHA! Punyeta, kapag tumanggi ka pa talaga, ipapalunok ko sayo 'tong buong mansanas. Makikita mo.

"Naku! Wag na po kayong umiyak! Sige na po, titikman ko na po" 

Lumapit sa kanya ang uto-utong si Soo White at kinuha ang mansanas. Lihim naman siyang napangiti dahil malapit ng magtagumpay ang plano niya...

Pa-slow motion niyang inilapit ang mansanas sa bibig niya...

Kakagatin kaya ni Soo White ang mansanas? Magtatagumpay kaya si Reyna Junmoney sa kanyang plano?

ABANGAN

Soo White and The Seven GheisBasahin ang storyang ito ng LIBRE!