TAHANAN NG ISANG SUGAROL na isinalin ni RUSTICA CARPIO (ENDING)

46.6K 66 48

Para sa mga High School Students na pinapasulat ng ending ng TAHANAN NG ISANG SUGAROL na isinalin ni RUSTICA CARPIO. You can read this at baka makakuha po kayo ng ideya kung paano niyo po tatapusin ang istorya :))

DAHIL sa pagod mabilis pa sa alas-kwatrong tinahak ni Ah-Yue ang mumunting kubo. Inilapag ang ilang oras nang pangko-pangkong kapatid. Inilibot niya ang paningin sa sira-sira nilang bubong. Nang mapansin ang espesyal na lampin na pinaghirapang burdahan ng ina niya’y dali-dali niyang hinagilap ang salakot, akmang lalabas na siya kasama ang isa sa dalawa nilang gasera nang maalala ang kapatid niyang mahimbing nang natutulog. Nagdadalawang isip siyang gisingin ito’t isama sa ospital na pupuntahan niya kung kaya’t sa huli’y ipinasya na lamang niyang ilagay sa maypaanan ng kapatid ang nakasinding gasera. Natatakot kasi si Shao Lan sa dilim. Di bali nang mahulog ako sa pilapil, malaki na ako, bubwit pa si Shao Lan. Madiling matakot at umiyak.

                HABANG sa isang bahagi ng maliit na baryong yao’y sinasabayan ng malulutong na mura ni Li Hua ang masakit na paghilab ng tiyan ni Lian-Chao. Hindi na niya ininda ang galit ng asawa dahil sa hapding sa wari ba’y pumupunit sa buo niyang sistema. Napaigik siya nang aksidenteng naraanan ng sasakyan ang malalim na lubak.

                “L-Li-Hua! H-hindi k-ko na k-kaya… D-dito n-nalang a-ako m-manganganak!” aniyang pilit inaabot ang asawa sa manibela ng sasakyan. Kasalukuyang nasa madilim at salat sa ilaw silang kalsada papunta sa pinakamalapit na ospital.

                “Huwag kang hangal! Ang mahal ng renta ko ng sasakyang ito! Dinoble pa dahil gabi na! Kailangang sa ospital ka manganak! Sayang ang renta! Kukonting gasoline pa ang nagagamit natin! Lugi tayo!”

                Napapaluha na si Lian Chao dahil sa pinaghalong sakit at pagkapoot. Hindi para sa asawa ngunit sa sarili. Kapagdaka’y hindi na niya napigilan ang sarili. Tumili siya ng pagkalakas-lakas. Tiling nagpatigil sa pagmamaneho ng asawa.

                “Anak ng Teteng! Huwag kang maarte---”

                Tumiling muli ang babae. Sa wari ba’y hindi na niya kaya ang sakit na lumulukob sa buo niyang pagkatao.

                Tarantang ipinarada ni Li Huan ang sasakyan sa gitna ng madilim na kalsada. Pinuntahan niya ang kanyang maybahay na hindi mawari kung luha, sipon o pawis ang namamalisbis sa mga pisngi nito. Hindi niya alam ang gagawin kung kaya’t tinulungan nalang nito ang asawang haplos-haplusin ang malaking tiyan.

                WALANG takot na binaybay ng  batang si Ah-Yue ang madilim at walang katao-taong daan patungo sa ospital. Hawak-hawak niya ang salakot sa kaliwang kamay habang kipit niya ang lamping binurdahan ng ina. Sa di kalayua’y may napapansin siyang sasakyang huminto sa gitna ng daan. Akmang tatakbuhin niya ang malayo-layong distansyang pagitan niya at ng sasakyan nang maputol ang kaisa-isa niyang tsinelas. Dahan dahan niyang kinuha’t pinilit na ayusin ang nasirang tsinelas. Tutok na tutok ang kanyang atensyon sa ginagawa kaya hindi niya alintana ang humahagibis na trak papunta sa kanyang direksyon.

                HINDI magkandaugaga sa pag-ire ang nahihirapan nang si Lian Chao. Nagkahalo-halo na ang sipon, luha at pawis niya sa kanyang mukha. Umire siya nang umire. Maya maya pa’y narinig niya ang pagsinghap ng kanyang asawa na agad sinundan ng iyak ng mumunting sanggol.

                “Lalaki! Lalaki! Swerte! Swerte!” masayang saad ni Li Hua.

                “Ibigay mo sa akin ang a-anak k-ko… L-lee Chan” Nahahapong tugon ng babae.

                Nagsalubong ang dati nang salubong na kilay ng lalaki. Hindi siya makapaniwalang pinangalanan na ng asawa niya ang lalaking anak niya nang hindi man lang kumukunsulta sa kanya. Nasaid na ang pasensya niya. Akma siyang baba’t itatakbo ang bata nang matuling sa malakas na tili’t busina ng paparating na trak.

                “Beeeeeeeeeep!”

                Mauulinigan sa kalaliman ng gabi ang malakas na pagsabog ng dalawang nagbanggaang mga sasakyan. Ang isa’y nagkapunit-punit na habang ang trak nama’y humahagibis na pinunterya ang direksyon ng isang inosenteng kaluluwa.

                HINDI nagawang sumigaw ng batang si Ah-Yue dahil sa pagkabigla. Ni hindi niya nagawang tumakbo o umilag man lang sa trak na nag-aapoy na ang bubungan. Kipit pa rin ang lampin sa gilid ay hinayaan na lamang ng inosenteng si Ah-Yue na kunin ng langit ang kanyang buhay.

                MAINIT. Iyon ang unang salitang sumagi sa isip ng tatlong taong gulang na si Shao Lan. Kung kaya’t unti-unti niyang ibinuka ang namamaga niyang mga mata. Nayanig ang kanyang buong sistema sa kanyang nasaksihan. Nasusunog ang munti nilang dampa!

                “A-ate! A-ate! A-ate! Nasaan k-ka?” Unti unti nang pinangangapusan ng hininga ang bata.

                Unti unti siyang tumayo. Gusto niyang sagipin ang buhay niya ngunit sadyang malakas na ang apoy. Hinagilap niya ang kumot at paika-ikang humakbang. Napatili sa sakit si Shao Lan nang ilang hakbang nalang mula sa kinarorounan niya’y isa isang nahulog ang mga nasusunog na bagay. Hindi na niya kayang depensahan ang sarili kung kaya’t hinayaan niya nalang na tupukin ng apoy ang kanyang buhay.

                KINABUKASAN, bulong-bulungan sa buong bayan ang pagkamatay ng buong mag-anak. Marami ang naawa ang iba nama’y ipinagkibit balikat nalang ang nangyari. Binigyan ng maayos na libing ng mga kanayon ng nasawing mag-anak pati na rin ang driver ng trak.