Secretly Married is now published in print

Summit Media, PopFiction | English

Available in bookstores and newsstands nationwide

287 pages come with a free bookmark

195php

 

Tweet us at

@SummitMedia_PH
@glimmerwattpad

______

Secretly Married Special Chapter 1

 

“Hahahahhahaha!?!?!?!” kanina pa tawa ng tawa si Phoebe.

“Hoy gurl!! Hindi ka naman masyadong masaya diba? Ilang beses na ba natin napanuod ito?” napapakamot na lang si Jhone habang hindi malaman kung matutuwa ba o mag-aalala sa kaibigan.

Wala naman kasing nakakatawa sa pinapanuod. O sadyang nagsawa na lang si Jhone dahil kabisado niya na ang linya ng mga nasa video. Pati ang mga susunod na mangyayari ay pamilyar na pamilyar na siya.

“Uhmm.. Hahahahaha!!! Ilang beses na natin napanuod?” tumingin si Phoebe sa kaibigan, sapu-sapo ang malaking tyan dahil medyo humihilab ito kapag natatawa siya ng sobra. Pero hindi niya rin naman mapigilan ang pagtawa, natutuwa kasi talaga siya.

“Oo… Paulit-ulit eh..”


“Uhm, yung tayong dalawa, mga 16 times na, yung kami ni Kent mga 9 lang kasi alam mo naman yun sungit, ako araw-araw ko yang pinapanuod!!!!” proud na sabi ni Phoebe.

O___o

Di na lang kinontra ni Jhone ang bestfriend. Pinabayaan niya na lang dahil baka epekto rin ito ng pagbubuntis nito. Ang pinapanuod lang naman nila ay ang video ng kasal nila Phoebe at Kent. Mula wedding preparations, hanggang reception.

“Hahaha! Ang cute ng asawa ko!!! Ay ang hot pala! Ang hot ng tatay ng mga anak ko!!!”

O___o

Sumubo na lang si Jhone ng isang cherry tomato na nakahain sa harap nila para takpan ang pagtawa. Makailang ulit na kasi itong sinasabi ni Phoebe na parang 1st time lang panuorin ang video. D niya naman mabiro ito ng masama kahit araw-araw naman pala nitong napapanuod ang sariling kasal.

“Pero in fairness nakakatuwa yang kasal niyo. Ngayon ko lang nakitang ganyan kinabahan si sungit. Nandyan ako… Katabi ko yung kumukuha…”

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!