♥♥Six♥♥


Lee POV:

shit!

agad akong nagbihis at lumabas para hanapin si rye

tsk ba't kasi di ako naglock ng pinto?!

"rye?" tawag ko ng makalabas ako

sana andito pa siya, lumunok ako at luminga linga ulit

"L-lee" 

napatingin ako sa gilid ko kung nasan si rye

"rye!"

niyakap ko siya

damn! i miss her! i miss this girl! i miss my bestfriend!

"a-ang init mo lee.." 

di ko siya kinibo

"payakap nalang muna.. please?" 

narinig ko ang buntong hininga niya pero di naman siya umangal

hinayaan niya lang akong yakapin siya ng mahigpit

"S-sabi ni tita may sakit ka daw?"

tanong niya ng pakawalan ko na siya sa yakap ko

"oo eh" napakamot ako sa batok ko

"tsk.. ano ba naman kasi ang mga pinagagagawa mo?"

iritang sabi niya pero alam kong nagaalala yan

"sorry..." sumandal ako sa balikat niya

naramdamang ko ang paglunok niya

"pwede bang alagaan mo ako? wag mo muna akong iwasan.. please rye.."

damn! handa akong lumuhod sa harapan niya para lang hindi niya muna ako iwasan

"okay then.. tara na sa kwarto mo" 

yes! wooooh!

nauna na siyang pumasok sa kwarto ko, agad naman akong sumunod

"mahiga ka lang dito sa kama mo, magluluto ako ng lugaw... magpahinga ka lang diyan ah?" 

ngumiti ako sakanya

"opo"

sabi ko habang nakangiti.. ngumiti din siya sakin at umalis na

hay... sana bumalik na kami sa dati

ba't niya ba kasi ako iniiwasan? may problema ba?

pumikit ako ng mariin at nagtalukbong ng kumot

baka naman may boyfriend siya tapos pinapalayo ako nun dahil nagseselos siya?

ugh! hindi naman siguro

nakatingin lang ako sa kisame at nagmumuni-muni

-

Rye POV:


Mukhang tanga ako ngayon habang naghahalo ng lugaw dahil hindi ko makalimutan yung scene kanina.. ugh! bakit ba kasi di siya nagla-lock ng pinto?!

ayan! nakita ko tuloy yung ugh! nevermind!

suminghap ako at nagpatuloy lang sa paghalo ng lugaw

kailangan ko ng makalimutan yung kanina! kailangan na rye! kailangan! wag mong i-save sa utak mo yun! mabait na bata ka tandaan mo yan!

nababaliw na yata ako! sheeet! ano ba naman kasi yang epekto ng pangyayari kanina! lubayan mo koooo!

I LOVE YOUBasahin ang storyang ito ng LIBRE!