(46) Outside Look

Start from the beginning
                                    

"Alam mo Jed, familiar sa akin itong ilog na to. Para bang nakapunta na ako dito."
"Pano mo nasabi?"
"Hindi ko alam ee. Para bang ang laki ng part nito sa buhay ko. Ewan ko. Ang gulo ee." Hinintay ko siya nung magrespond sa sinabi ko pero tahimik lang siya. Tahimik lang na nakatingin sa ilog. "May problema ba Jed? May mali ba sa sinabi ko?"
"Raxelle?"
"Bakit?" Anong nangyari sa kanya? Bakit parang ang seryoso niya masyado?
"Hindi mo ba naaalala ang lugar na ito?"
"Bakit? Ano bang meron dito?"
"Ilang taon na rin buhat nun Raxelle. Buhat nung naligo tayong dalawa dito kasama ng kapatid ko."
"Ha?" Naligo kami dito kasama ang kapatid niya? "Anong ibig mong sabihin?" Pero bago pa man siya makasagot, isang ala-ala ang agad na nagbalik sa akin. Ang ala-ala ng dalawang batang tinulungan namin. "Imposible." Hindi maaari. Ibig sabihin...
"Ako nga Raxelle."  Napatakip ako ng bibig habang isa-isang nag-uunahang pumatak ang mga luha ko.
"Ikaw yung...ikaw yung batang lalaki?"
"Ako nga Raxelle. Ako ang batang lalaking nangakong hahanapin ka at poprotektahan." Automatic akong napatayo at naglakad papunta sa kung nasaan siya at mahigpit siyang niyakap.
"Jed, hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin, tinupad mo ang pangako mo sa akin na hahanapin mo ako at poprotektahan. Akala ko, hindi na kita makikita."
"Patawarin mo ako Raxelle kung ngayon ko lang sinabi sayo. Nung nalaman ko na nasa Enchanted ka na, agad akong nag-enroll dito para makita ka. Akala ko nung una, madali lang na magpakilala sayo bilang yung batang lalaki na naging kaibigan mo pero dahil ayaw mong makihalubilo sa iba, nahirapan akong lapitan ka at natakot din ako na baka hindi mo na ako makilala at maalala. Noon, lagi kitang sinusundan kung saan ka man magpunta, kaya nalaman ko din na hindi totoo ang sinasabi ng ibang holder na wala ka daw kapangyarihan. Nakita kitang pinagalaw ang mga libro noong nasa Enchanted Library ka. Hindi ko inaasahan na magiging kaklase kita, nangkunwari akong walang pakelam sayo. Nagkunwari akong hindi kita kilala. Pero ang hindi mo alam, alam ko ang bawat kilos mo dahil palagi lang akong nasa tabi mo. Sinubukan kong umamin sayo pero ang nangyari, aksidente kong nasunog ang mga libro mo. Nagalit ka sa akin. At duon ako nagkaroon ng ideya na palagi kang pagtripan para lang magkaroon ako ng pagkakataon na makausap ka man lamang. Sa tuwing may nananakit sayo o may nagsasabi ng kung ano-anong hindi maganda, umaakto ako na walang pakialam pero ang hindi mo alam, palihim kitang iginaganti sa kanila. Nung araw na pinagtulungan ka ng tatlong feminine holder sa banyo, sinundan kita nuon pero nakatago ako. Hinihintay kitang lumabas pero ilang minuto na ang lumipas hindi ka pa rin nagpapakita. Balak ko na sanang pumasok nun para tingnan kung ano ang nangyayari sayo pero biglang lumabas ang tatlong holder na yun na tumatawa at dun ko narinig ang ginawa nila sayo. Nung nakita ko ang sinapit mo sa kanila, gusto ko silang gantihan pero inuna kong dalhin ka muna sa Heal Station dahil hindi ko kaya kung may mangyayari sayong masama. Yung panahon na pinagtangkaan naman ni Isabel ang buhay mo, sinusundan kita nun kaya kita nagawang iligtas. Nung una, nagtaka lang ako kung bakit nilapitan at kinausap ka ni Isabel pero hindi ko akalain na ganun pala ang balak niya sayo. Alam mo bang masaya ako nung nga panahong yun dahil nagagawa kitang makausap at  makasama pero hindi rin nagtagal, bumalik tayo sa dati. Yung tipong walang pakialam sa isa't isa. Hanggang sa napili tayo bilang Warrior at nung binigyan tayo ni Ma'am ng rest day sa training, dun ko nalaman na naalala mo pa pala kami ng kapatid ko. Matapos mong ikwento sa amin nina Maddison ang tungkol sa amin ng kapatid ko, gusto kitang yakapin ng mahigpit at magpasalamat para sa mga nagawa nyo ni Ms. San sa aming dalawa ng kapatid ko. Gustong gusto ko na ring sabihin sayo ang totoo pero natakot na naman ako. Nung nawala ka, nagalit ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako nakapagpakilala sayo at ni hindi ko man lang din nasabi ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ako matapang Raxelle dahil naduduwag ako pagdating sayo. Nung bumalik ka, duon ako nagkaroon ng pag-asa na sabihin sayo ang lahat. Sana maintindihan mo ako Raxelle at patawad kung inakala kong nakalimutan mo na kami."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Buhat noon, palagi na pala siyang nasa tabi ko. Napakamanhid ko para hindi maramdaman yun. Kaya pala, palagi niyang sinasabi na poprotektahan niya ako. Akala ko imahinasyon ko lang yun.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now