CPMGP_Chapter 3

138K 4.1K 62
                                    

DAZU'S POV

"Anong sinabi n'yo? May nangialam na isang 'di kilalang babae sa pinag-uutos ko?" At dahil nag-init ang ulo ko bigla ko silang sinuntok isa-isa at tinadyakan.


"P-Prince Dazu, hindi siya basta bastang babae. M-Maniwala ka sa amin."


"Anong dahilan para maniwala ako sa inyo?" Kahit isa sa kanila ay walang sumagot. "Wala kayong maipakitang ebidensiya? Kung gano'n, alam n'yo na kung anong mangyayari sa inyo bukas."


"P-Prince Dazu, maniwala kayo sa sinasabi namin. Totoo ang lahat ng 'yon." Pagmamakaawa pa niya sa harapan ko. Nagmadali pa siyang lumuhod.


Nang biglang tumunog 'yong cell phone ko. Pagkatingin ko rito may nagsend sa akin ng isang video, kung saan, nakita ko ang pangyayari sa mga inutusan kong estudyante kanina. Itong mga kaharap ko ngayon.


Wala pang isang minuto natapos na 'yong video kaya bigla akong napaisip at napakunot ng noo.


"Kung gano'n, 'yong tinutukoy n'yong babae, sa Asia Academy siya nag-aaral." Hayag ko nang makilala ko ang suot niyang uniform.





*****

SHIMI'S POV

Pagdating ko sa bahay basta ko nalang iniwanan 'yong motor ko sa baba. Nagmadali agad akong umakyat dito sa kuwarto ko. Naghilamos agad ako ng mukha nang bigla akong mapatitig sa salamin.


Napapikit ako ng mariin. "Freak!" Sambit ko.


Natauhan ako nang bigla kong makita 'yong suot kong uniform sa salamin tapos nagbalik sa isipan ko 'yong ginawa kong pakikipaglaban kanina.


"Patay na!" Bigkas ko pa. Ibig sabihin nito kailangan ko na namang lumipat ng ibang school dahil sa ginawa ko. Ang tanga mo Shimi! Siguradong makikilala nila ako kung saang school ako nanggaling.


KINAUMAGAHAN, magkakaharap kami ngayon nila Mommy at Daddy habang kumakain ng agahan. Sana lang good mood sila ngayon dahil pagnagkataong hindi patay na talaga ako nito.


"Anong kailangan mong sabihin sa amin ng Daddy mo?" Paunang sabi ni Mom kaya napatodo dasal ako.


"Shimi, anak? May dapat ba kaming malaman?" Sabi naman ni Dad.


Damn! Tulungan niyo po ako.



"G-Gusto ko po sanang lumipat ng school?" Pagkasabi ko no'n bigla silang nagkatinginang dalawa.


Sana! Sana! Sana! Hindi nila ako pagalitan. Nakapikit lang ako ngayon habang patuloy na nagdarasal.


"Na naman Shimi??" Turan ni Mom.


"Sige, sa isang kundisyon." Sabat naman ni Dad kaya napalunok ako.


Tinignan ko lang sila ni Mommy ng salitan. Ano naman kaya 'yong kundisyon niya?


"Sabihin mo sa amin ang totoong dahilan kung bakit ka lilipat ng ibang school?"


Patay! Hindi nila puwedeng malaman na nakipaglaban ako sa mga estudyanteng taga ibang school kahapon. Lagot na ako nito. Kailangang makapag-isip kaagad ako ng palusot.


"Shimi, anak?"


"P-Po? Mom, Dad? M-May nagkakagusto po kasi sa akin doon, e. Halos sundan niya ako buong araw kaya sige na po. Pagbigyan n'yo na ako dahil hindi ko siya gusto."


Nagkatinginan silang dalawa. "Please? Pumayag na po kayo? Gusto ko na pong lumipat ng ibang school. Mommy? Daddy? Please po..." Pagmamakaawa ko kunyari.


"Woah! Hindi nga?" Nagulat ako nang biglang magsalita ng gano'n si Dad.


"Sabi ko na nga ba! Napakaganda mo kasi anak at nagmana ka sa akin." Sabi niya sabay tawa.


Napangiti tuloy ako sa sinabi ni Daddy.


"Hindi na ako magtataka kung pagkaguluhan ka nila at may magkagusto sa'yo ro'n."


Tumatawa pa rin siya kaya napangiti na rin ako habang tumatango-tango.


Tama 'yon Dad. Ayon ang isipin mo.


Nilingon ko naman si Mommy ngayon. "Mom, mukhang payag na po si Daddy, kayo nalang. Sige na po please?" Nagpacute pa ako.


"Okay, fine! Pero hindi ako papayag na sa Daddy mo lang ikaw nagmana." Bigla siyang nagdrama kaya mas napangiti ako.


Bumigay na si Mommy! Mukhang tumalab nga iyong palusot ko. Sa susunod talaga kailangan ko nang mag-ingat.


"Hindi naman sa gano'n, Honey. Galit ka na ba niyan, ha?" Sinusuyo ni Dad si Mom ngayon. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.


"Bakit? Ano sa tingin mo?" Pagsusuplada ni Mommy.


Natawa tuloy ako sa kanila. Nakakatuwa talaga silang tignan pagnagkakatampuhan. Masuwerte ako at mababait sila kahit na kinakatakutan pagdating sa labanan.


At kung pumayag na nga sila, wala na akong dapat pang alalahanin. Back to normal na ulit ako sa magiging bago kong school. Astig!









(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon