Chapter Twenty-Two

Začít od začátku
                                    

Grabe yung ingay na naririnig mo ngayong nasa loob ka ng classroom. Makabasag pinggan yung mga boses nila - as in literal. Gusto ko sanang matulog kaso ang super ingay talaga pero wala akong panahon para magpatigil sa kanila. Mauubos lang boses ko.

"ANDYAN NA SI MA'AM!" sigaw ng isang lalakeng nakaupo sa bandang pinto ng classroom. Nagsibalikan naman ang lahat sa kani-kanilang mga upuan at nanahimik. Ganito sana kanina para makatulog ako.

Pumasok na si Ms. Son, ang chix na Math teacher namin. Kras ko 'to eh. Shh. Hehe.

Pero teka ba't may kasama siyang estudyanteng babae? Siguro transferee din 'to tulad namin ni Taetae?

Pero wapakels.

Nagsignal na yung class president namin na tumayo at bumati.

"Good morning Ms. Son." masiglang bati namin saka nagbow at umupo na.

"Good morning, class." bati rin niya sa 'min at ngumiti. Shet. Ba't ba ang ganda mo, Ma'am?

"Today, we have a transferee student from Busan. Please be good to her."

Nilingin ni Ms. Son yung babae para papuntahin sa gitna at mag-introduce. Sinunod naman nung babae pero nakayuko lang ang ulo nito na parang nahihiya. Teka, pamilyar 'to ah?

May kumalabit bigla sa 'kin. "Pst. 'Di ba yun yung babaeng nakabangga mo kanina lang?"

Nilingon ko naman si Taehyung na katabi ko at tinignan ng masama.

"Pake ko ba?"

Inirapan lang ako ng mokong at tinignan yung babae.

"A-Annyeonghaseyo. Jeoneun Kwon Shinah-imnida." bati nung babae sabay bow.

"You may take your seat now, Ms. Kwon dun sa tabi ni Ms. Baek." sabi ni Ms. Son. "Please raise your hand Ms. Baek."

Itinaas naman nung kaklase naming babae na si Baek Yoonwoo yung kanang kamay niya. Siya yung tahimik, masungit, at bookworm ng klase namin pero maganda siya 'di ko nga lang type. Nasa harapan pala siya ni Taehyung nakaupo. Bale yung vacant seat na nasa tabi ni bookworm is yung uupuan ni bangga girl. Boset naman.

Umupo na si bangga girl sa harapan ko. Pagkatapos nun ay nagsimula na ang klase. Nawalan ako ng ganang makinig kay Ms. Son at naisipan kong pagtripan itong babaeng nasa harap ko ngayon.

Nilagyan ko ng isang maliit na piraso ng papel at inilagay sa collar niya. Napansin niya yatang nilagyan ko ito ng papel kaya kinuha niya yung papel pero di niya ko nilingon. Ang bored naman nitong kalaro. Gusto ko kasi makita yung annoyed face niya.

Kinalabit ako ni Taehyung, "Hoy, tigilan mo na yan baka magalit."

"Ano ka ba? Ang KJ mo naman. Hayaan mo nga ako." sagot ko sa kanya.

"Mr. Park? May ibabahagi ka ba sa 'min tungkol sa nalalaman mo sa topic natin ngayon?" biglang tawag ni Ms. Son sa 'kin. Napalingon naman ako sa kanya at napatayo.

"N-Ne?"

"Ayan kasi. Makinig ng mabuti para may maintindihan. Parang pag-ibig. 'Pag hindi kayo nakikinig na isa't isa eh walang patutunguhan relasyon niyo 'di ba?" hugot ni Ms. Son. Napawoah naman ang buong klase pero ako? La paring pake.

Humanda ka sa 'kin, Ma'am. Di na kita crush.

---

Lunch break na sa wakas! Sabay na kaming pumunta ni Taehyung sa canteen. Umupo kami sa isang table na pinareserba ni Yoongi hyung para lang sa 'min. Naririnig ko ang mga bulungan ng mga estudyante. Karamihan sa kanila mga babae.

"Omg. Sila ba yung bagong members ng Bangtan Sonyeondan?"

"Mukha nga. Okay naman sila."

"Talented din yata sila kaya nakuha si agad."

"Ang fafabols din nila kya~"

"Bet ko yung kasama nung pandak."

"Ba't ang pandak nung isa?"

Sasaya na sana ko nung marinig ko yung mga bulung-bulungan nila pero yung narinig ko na sinabihan nila akong pandak, aba humanda sila.

Inirapan ko yung mga babaeng sinasabihan ako ng pandak.

"Ay. Ang sungit naman nung pandak."

"Pandak na nga, masungit pa."

"Ba't ang ganda ko bes?"

Di ko na sila pinakinggan at kumain na kasama si Taetae. Tagal naman nung limang mga unggoy na yun. Tss.

"Pwedeng makishare ng table?" tanong ng isang boses babae. Nilingon namin ni Taehyung kung sino yung nagsalita.

"Ikaw na naman?" sabay naming tanong. Inirapan ko siya.

"Sure. Have a seat." mala-gentleman na sagot ni Taehyung at nginitian ito. Uupo na sana siya nang pinigilan ko siya.

"Sorry ha? May kasama kasi kami ngayon at dapat kami lang at yung mga kaibigan ko ang uupo dito sa ngayon. Dun ka na lang sa iba." pagpapaalis ko sa kanya. Nagpout lang siya at umalis. Aba, walang thank you?

"You're welcome!" sigaw ko pero 'di na siya lumingon. Edi wow.

"Sungit mo talagang pandak ka." sambit ni Taehyung. Inirapan ko lang talaga siya. Duh wala akong panahon sa mga tulad niya. Ikaw kaya lawayan yung balikat ko?

Oo. Siya rin yung babaeng kasakay ko sa train nung papunta ako rito mula Busan. Kaya pala taga-Busan din siya kasi siya yung babae.

--------------------------------------------------------------------

Lame and late update. Mianhae~ T.T

Keep supporting me guys!

Don't forget to vote, comment, and share my story :* Comment na rin sa magpapafollow back hihi.

Kamsaranghae~ <3

~Author Angel-nim

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Kde žijí příběhy. Začni objevovat