Chapter Eighteen: For REAL?!

10 1 0

Nagising ako.  Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga nakapikit kong mata.  Sino ba kasing puntsyo pilato ang nagbukas ng kurtina sa kwarto ko?! 
Nako naman!  Nakakainis.   Alam naman nilang ayaw kong ginigising ako kapag ganitong masarap ang tulog ko.

Pero wala nadin naman akong magagawa.  Ayoko pang bumangon.  Baka si Kuya Don lang nagbukas niyan.  Makabalik na nga lang sa pagtulog.  Nagtalokbong nalang ako ng kumot.  Wala pang limang segundo ng pagpikit ko ng maalala ko yung pinanaginipan ko kagabi..  Para kasing totoo eh. 

"Sana kasi totoo nalang yung mga nangyari sa panaginip ko.  Nakakaasar naman.  Namimiss ko na tuloy si Margoth.  Tsk "

Letche!  I hate this feelings.  Nakakaasar.  Ayoko ng maalala pa yung nakaraan ko!

Biglang may humampas sakin ng unan.  Babangon sana ako para bulyawan yung kung sino man.  Kaso bigla akong nanigas ng marinig ko siyang magsalita.

"HOY MEGSKI!  BUMANGON KA NA NGA DYAN!  ANONG PANAGINIP PINAGSASABI MO?  BALIW KA BA? "

MEGSKI?  Totoo ba to?  Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko.  Ano ba tong nangyari sa katawan ko.  Para akong nabalot ng yelo. 

Biglang nawala yung antok ko. 
Is this FOR REAL?!  IISANG tao lang tumatawag saakin ng ganyang palayaw!  It can't be!  Damn it!  Sana hindi ito panaginip!  Sana hin--

Biglang naputol yung mga sinasabi ko sa isip ko ng biglang may humablot sa kumot ko...  And that's it.  Totoo nga!  Si. ..

"Margoth?!!! "  she raised her eyebrow and rolled her eyes for a bit. Then she laughed so hard. 
The fvck?! 

So ibig sabihin hindi ako nanaginip lang kagabi?  Ibig sabihin totoo lahat ng nangyare?! Buhay siya?  Buhay siya?!  Ahhhhh!!!!! 

Bigla akong bumangon sa kama saka lumundag papunta sakanya.  Hindi siya naka ilag kaya dalawa kaming nasa sahig ngayon. 

Hindi na ako nakapagsalita kasi uumiyak na pala ako.  Yakap yakap ko siya ng mahigpit.  Akala ko wala na talaga siya.  5 years na nung huli naming kita. Akala ko totoong patay na siya. pero baka naman panaginip lang ulit to? Pasimple kong kinurot ng kamay ko. pero narinig ko ulit siyang tumawa at saka nagsalita.

"Neh! let me go Megski! di ako makahinga! saka ang bigat mo!"

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. hindi talaga ako  makapaniwala. Umupo muna ako ng naka indian seat sa harap niya at pinagmasdan ko sya ng mataman.. tinaasan niya lang ako ng kilay. Hay nako tong kambal ko talaga di na nawala ang pagkamaarte niya! Habang tinitignan ko siya. Inaalala ko lahat ng nangyari kagabi.. Yung mga nangyare na inakala kong panaginip lang lahat. 

FLASHBACK

Nagdilim nga ang buong paligid. tapos tinuloy ng kung sino mang lalaki ang pagkanta ng HEAVEN. para tuloy akong maiiyak ngayon. Namimiss ko na kasi yung Kapatid ko...

Now nothing can take you away from me

we've been down that road before,

but that's over now, You keep me coming back for more....

Namalayan ko nalang na may nagsasayaw na pala sakin... His hands and the way He held me was so familiar. No doubt na siya nga ang lalaking kasayaw ko.. Si Dad.. How I missed him so bad. Siya yung pang 17th dance ko. At ngayon lang din nag-sink in sa utak ko na Debut ko, namin pala ngayon... 

"Happy birthday Princess. You're so gorgeous and beautiful. Parehas kayo ng twin sister mo. hahaha" Bakit ganon? Bakit Masaya pa si Dad habang sinasabi niya? Bakit parang di pa patay yung tinutukoy niya 5years ago.... 

THE FINE YOUNG LADY AND THE DEVILISH GUY.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!