Mas Bet Kita (One-shot)

175 9 5
                                                  

"Mahal pa din kita, Ches. Kahit sa tingin mong mali. Kahit di ka straight. Bet pa rin kita."

College ko siya unang nakilala Excited akong pumasok noon. Taga-ibang probinsya kasi ako galing. Kakalipat lang namin dito sa Laguna. Wala ni isa akong kakilala pero keri naman. Kaya ko 'to. Nakapasa ko sa entrance exam sa state university ng bayan na ito. Business Management ang pinakuha sakin na kurso. May business kasi kami sa probinsyang kinalakihan ko. Ako daw ang pwedeng mag-manage nun kasi nag-iisang anak lang ako.

Excited ako sa first day of class. Kinakabahan din kasi wala nga akong kakilala ni isa. Pumunta na ko sa room kung saan nakalagy dito sa registration form ko. Marami na rin tao nun. Sila na yung mga kaklase ko panigurado. Tumabi ako dun sa babaeng nasa may kaduluhan na. Nahihiya pa din ako nung mga panahong iyon kahit na medyo makapal din ang face ko. Wala pang prof. nun at nakakatamad dahil ni wala talaga akong makausap. Meron naman kaso bigla din naman silang makikipag-usap dun sa iba. Na-o.p ako kasi di ko naman sila schoolmates noong highschool. Di ko alam na mahilig pala silang magreminisce ng moments nila nung hayskul. Hanggang sa may nakita kong nilalang. Gosh! Akala ko sa kwento lang talaga ang greek gods or demigods. Totoo pala!

"Miss, pwede tabi tayo?" grabe pati ba naman boses. Kaloka!

"Miss?" Luh?! pati pagkunot niya ng noo? kay gwapo! Wait, naglalaway na ata ako.

Ilang segundo din ata akong natulala hanggang ang naisagot ko nalang ay ang pagtungo ng ulo ko. Nakakatitig lang ata ako sa kanya noon eh. Tapos lumingon pa siya sakin. Napamura ako sa isip ko. Kasi naman, nakakaloka ang kagwapuhan niya. Nag-iwas ako ng tingin pero siya pa din ay nakatingin sakin. Mukhang ni-head to foot ako. Hala, baka ma-turn off sakin 'to.

"Ganda ng fashion mo, Ate" muntik na kong mabulunan sa sinabi niya at sa tono ng boses niya.

OHMYGULAYINAY!

Gusto kong mapa-face palm dahil isa na namang lalaki ang nagpalit ng paniniwala!

Ilang araw ata akong nagmukmok sa pagiging beki niya. Chance ko na sana na magka-jowa ngayong college life ko pero huhubels talaga. Araw araw akong nanghihinayang sa kagwapuhang taglay ni Chester Ochoa. Nakakainis. Yung tipong pang-basketball player ang istura niya ayun pala siya pala yung magiging taga-cheer sa mga basketbolista. Huhubels talaga. Sa malambot niyang pagkilos. Sa pagpilantik ng mga daliri niya. Sa pakikipaglandian niya sa iba pa naming blockmates na lalaki. Walang segundo na hindi ko pinanghinayangan ang pagiging beki niya. Sakit po!

Pero infairness naman sa kanya, hindi siya nagdadamit pambabae o yung pormang pa-girl. Ang bango pa niya amoy lalaki talaga. Syempre, palagi ko kayang katabi si Ches. Naging friends na din kami niyan nu, Kahit na may Hidden Desire ako sa kanya.

"Ches"

"Hmm.." naglelecture kasi yung Prof. Buti nasa dulo kami.

"Ches, tingin ka sakin" at saka siya lumingon. Grabe, ang gwapo niya talaga! namamatay ang kaluluwa ko kapag naalala kong bakla siya. Huhubels.

Mas Bet Kita (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon