Day 26 : Something weird

6.7K 405 155

Something weird
-----

Pagbungad ni Harry sa pinto ng common room, ngumiti agad ako. Naupo siya sa katapat ko kung saan may nakahain nang pagkain.

"Inihanda ko na 'yung corn soup," sabi ko sa kanya.

"Thanks." Dinampot niya ang kutsara niya at nakababa ang mata nang magsimulang kumain.

"May rice, if you want it. May ulam sa ref. Initin ko?"

"No. Okay na 'to."

Iniurong ko palapit sa kanya ang basket ng tinapay. "Isabay mo sa soup."

Nang hindi siya kumuha ay ako ang kumuha ng isang haba ng tinapay para sa kanya. Inilagay ko sa maliit na platito at iniurong sa kanya. Then, I stressed, "Eat this with the soup."

Sandali lang siyang sumulyap sa'kin. Nangunot pa ang noo. He acts like he has a problem with me.Well, I have a problem with him, too. Nagulo ang buong araw ko dahil sa kanya. Maghapon kaming nagligtas ng specimen, scaffolds, at chemicals sa main lab at sa lab 2. Isang buong maghapon din na ibinabato niya ako sa ibang group kahit na mas logical na nasa group niya 'ko.

The Lord Commander just continued with the soup. Kumuha lang nang kaunti sa tinapay.

"Kumain ka ng tinapay or bibigyan kita ng rice," sita ko sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo sa sarili mo? Maghapon kang nagtrabaho nang walang kain." In all honesty, nakakagigil. Para akong nag-aalaga ng bata. He's a grown-up, for chrissake!

"I told you, I'm okay. Bakit ang kulit mo?" sita niya pabalik.

"I told you to eat, bakit ang kulit mo rin?"

"Hindi nakamamatay ang hindi kumain ng isang araw, Jianna."

"Kung pababayaan ka lang, araw-araw kang hindi kakain."

"Kumakain na 'ko dahil lagi tayong magkasabay."

"Kaya nga weird, kasi bakit hindi ka na naman kumain ngayon? Niyaya kita kanina, nagsinungaling ka. Something's off. Ano'ng problema?"

"Walang problema, Jianna," he said dismissively.

I am all fired up for another set of argument when the music in the common room got our attention.

🎼 Is this love
Feeling restless inside
Wanting you to always be my side ~

Sabay nangunot ang noo namin ni Harry. Tumaas ang balahibo ko.

🎼 I don't even want you out of my sight
You are in my thoughts all day and night
I can't get you out of my mind
I think I'm in love ~

Before another line played, Harry took his phone from his lab coat and placed a call.

"Yeah. This is Dr. Lastimosa. Turn off the music from the common room. It's distracting."

In less than three minutes, the song died.

Nawala na kami sa pinag-uusapan namin. I was more interested with his bad mood. I haven't seen him irritable with a flushed face. Namumula siya hanggang sa leeg.

"Bakit ka namumula?" usisa ko.

"Wala."

"Nainis ka sa kanta? May mga mas chessy pa ro'n no'ng nakaraan. Quota na nga ako sa pagtaas ng balahibo ko."

Nagbuga siya ng hangin at tumitig sa'kin. "Bakit ang kulit mo? Saan ka ipinaglihi ng nanay mo?"

"I'm just naturally curious, Dr. Lastimosa."

"I haven't seen you curious in anyone else."

"Yeah. You're my favorite curiosity. So what?"

Dinampot niya ang baso ng tubig at uminom.

Girl of Never : Days to Love (Day Book)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!