Episode 3 Part 5 Unang Task

11.4K 113 41
                                    

Episode 3 Part 5 Unang Task

“Congrats DJ! Sabi na ikaw mananalo eh. Walang duda..”

“Hi DJ! Congrats pala ha. Sigurado magigging exciting ang school year na toh under your policies.”

“Bro congrats ha! Akalain mo yun! Siguro kung last year allowed ka kumandidato nanalo ka din.”

“Congratulations! Looking forward sa bagong pakulo ng student council.”

Yan ang mga greetings sakin pagpasok ko ng school sa gate pa lang ha! Para kong artista na lahat ng tao napapansin ako. Sikat na sikat! Feeling ko ako na pinakagwapo sa buong campus….teka ako naman talaga. Pero ngayong araw na toh ramdam na ramdam ko talaga!

Lahat ng makasalubong ko nagssmile sakin. Lahat ng madaanan ko nagccongratulate. Kahit yung bagong guard ngayon na masungit nakasmile na din. Siguro kasi nakita nya sa unang pagkakataon may nakasabit na ID sa uniform ko. Syempre, chairman na ko dapat bagong buhay na. Model student mode na.

Sanay na din ako sa mga morning greetings na yan last year pa. Naisip ko lang maninibago na siguro ko kasi may mag-iiba sa daily routine ko. Wala nang Julia na haharang sa entrance ng school para sitahin kung nasan ang ID ko at makikipaghabulan with full energy paikot sa campus para isumbong ako sa guidance counsilor. At speaking of Julia, nasa likod ko pala. Himala, mas nauna kong dumating. Hindi naman ako maaga ngayon, sakto lang. Dati 30 minutes before flag ceremony nandito na sya. Ngayon, 10 minutes na lang start na.

“Ayan ay ID na po ako.” Proud kong sabi sa guard. Tumango tango naman sya for approval.

“Teka lang po, may aasarin lang ako.” Sa halip na pumasok ako, naisipan kong asarin ang nakasimangot na babaeng papasok na sa gate. Syempre, sa araw na toh sino pa nga ba ang nag-iisang malungkot kundi si Julia. Ang natalo sa election.

Hindi yata napapansin ni Julia na papalapit ako sa kanya kasi parang naglalakad sa ulap tapos ang layo ng tingin parang na-rape na ewan lang ah. Halata ding puyat sya laki ng eyebags oh tapos mejo mugto pa yung mata. Grabeh ang OA naman ng epekto sa kanya ng pagkatalo nya sa elections.

“Ehem.” Ngparamdam ako nung nasa tabi na nya ko at hindi pa rin ako pinansin. Tumingin lang sya sakin tapos inirapan ako at lalong sumimangot ang mukha nya.

“Goodmorning Julia!” I cheerfully greeted her flashing my most gorgeous smile….. Dedma.

“Uy, ngumiti ka namang ang ganda ng araw ngayon oh.” Sinubukan ko ulit.

“Anong maganda sa araw kung pagmumukha mo yung unang babalandra sa harap ko?!” Masungit na sabi nya. Pinigil kong tumawa pero napapangiti ako. Sobrang maldita talaga nito.

“Eh ikaw lang naman ang babaeng allergic sa kgwapuhan ko!” Lalo ko pang inasar. Isang matalim na tingin ang ginanti nya sakin sabay binilisan yung paglalakad nya para maiwan ako.

“Teka, teka, teka… Binibiro lang kita masyado ka kasing masungit! Nasan pala si Kathryn?” Iniba ko na yung usapan. Mukhang highest level ang pagkabadtrip talaga nito ngayon ah.

“Hindi ko alam. Baka nasa bulsa ko!” Lalo pa yatang napikon. At dahil maloko naman ako lumapit ako sa kanya sabay sinilip ko yung bulsa nya sa gilid.

“Ano ba?!” Hindi ko na napigilang tumawa. Nagbblush na sya sa sobrang pagkaasar. Kasi naman bakit ba ang cute nya pag nagagalit? Sarap pisilin nung pisngi nya oh.

“ID..” Hindi ko napansin na nasa guard nap ala kami ulit.

May kinuha sa Bag si Julia at ikinabit sa blouse nya.

GIMIK 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon