Day 26.3

7.4K 351 26

(Work Group Chat)

PROJECT Stem-CHD minus

AUG 29 • MON • 06:47 PM

Sarah : Done na kayo?

• 07:23 PM

Vina : Hindi nagsasalita ang Mahal na Hari rito.

Sarah : Patapos pa lang kami nina Jia at Kaye rito sa Lab 2.

Kaye : Maraming na-spoil na specimen.

Vina : Grabe.

Vina : 7 months down the drain.

Frank : Okay pa naman dito sa Lab 3. Kahit papano may mga na-save tayo.

Ben : Inaayos pa power supply natin hanggang dito sa Bio-En.

Sarah : Aksidente naman nangyari.

Sarah : May bagyo e.

Kaye : Buti na lang, nasa seeding pa lang tayo.

Vina : Pero stress. Daming uulitin.

Frank : Okay lang yan, Team.

• 08:33 PM

Vina : Tahimik pa rin ang Mahal na Hari. Wala pang kain to.

Vina : Guilty siguro to!

Kaye : Ha? Bakit?

Vina : Sabi ng tech, hinahanap nila kaninang madaling-araw si Doc dahil nga sa nangyari sa power supply.

Vina : Hindi raw siya makita.

Vina : Hindi rin daw sumasagot ng phone.

Kaye : San naman siya pupunta e nandito siya sa lab?

Vina : Jia! Nandito ka rin, di ba?

Jia : Yeah.

Vina : Hindi ka ginising ng tech? Nung nasira power supply?

Jia : Di ako sure.

Ben : Sunog na sunog main power natin e.

Frank : Nakita ko rin kanina. Yung pinakamalaking generator lang natin ang naiwang gumagana.

Frank : Kaya hindi rin na-power-up tong tatlong Lab.

Jia : Ano sabi ng tech?

Vina : Walang sinasabi tong tech tungkol sayo.

Vina : Basta raw hinahanap nila ang Mahal na Hari ng 3am. Di raw nila makita.

Vina : Bandang 4am daw, tumawag.

Vina : Tapos ayun, from 4am nagmamando sa tech at lab assistants dito para sa mga gagawin.

Frank : San nagpunta yan si Doc?

Kaye : Oo nga. Kung wala sa office, nasa sleeping quarter lang dapat siya.

Sarah : Baka lumabas?

Sarah : Pero imposible. Ang lakas ng ulan e.

Frank : Di ka talaga nagising, Ji?

Jia : Hindi e. Wala ring gumising sakin.

Vina : Ano kaya topak nito ni Mahal na Hari?

Vina : Sobrang tahimik.

Kaye : May inventory pa, Team!

Vina : Oh well!

√ seen by everyone

Girl of Never (Epistolary #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon