Chapter 8

2.5K 78 0
                                    

Nasilaw ako sa liwanag na dumapo sa mata ko kaya ako nagising. Nang maimulat ko na yung mga mata ko eh nakita ko yung mga grupo ng mga lalaki na nagtatawanan, may mga ilang babae pa na nakapulupot sa mga lalaki. Itinukod ko yung tuhod ko sa sahig ng makaangat. Nakakadina pa din ang kamay ko. Napalingon ako sa kanan ko. May isang napakalaking aquarium.

"Gising na pala ang prinsesa natin!!!" Sigaw ng ilan. Nagpapalakpakan pa yung iba, yung iba naman tuwang tuwa. "So magsisimula na ang show??"

May lumapit naman na dalawang lalaki saakin. Itinayo nila ako at ikinaladkad. Sumunod naman si Mark.

"San niyo ko dadalhin?? Anong gagawin niyo sakin??" Nagwawalang tanong ko.

Iniakyat nila ako at naririnig ko yung mga hiyawan nila. Pangiti-ngiti lang si Mark. Natatakot naman na ako kaya sigaw ako ng sigaw. Siguro papatayin na nila ako. Natatakot pa akong mamatay.

"Wag niyo kong papatayin pls!!! Martian!!! Martian!!!! Mar--" bigla namang hinawakan ni Mark yung chin ko at pinatahimik niya ko. Umiiling-iling naman ako para maalis yung pagkakahawak niya ng pisngi ko.

"Pwede bang manahimik ka hah!!!" Sigaw niya sakin at patapon na binitawan ang pisngi ko. "Papatayin talaga kita kung di ka titigil!!"

Umiyak na lang ako sa takot. Sa loob-loob ko na lang isinisigaw ang pangalan ni Martian. Sa loob-loob ko na lang din sinasabing mahal na mahal ko siya at ang pamilya ko. Nagdarasal na din ako na sana bigyan nila ako ng pagkakataong mabuhay.

"Maglalaro ka at ito ang mechanics ng game. May pating diyan sa loob ng aquarium na yan na may 20 fts. ang lalim. May katana sa baba niyan hanapin mo na lang at ang kailangan mo lang gawin ay...." lumapit siya sakin at hinawakan yung chin ko. " ...patayin ang mga.pating o kaya ikaw ang papatayin ng pating."

Dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Napapailing ako sa takot. Tinitigan ko si Mark at sinasabi 'wag mong gawin toh pls.' Pero.parang di niya yun naintindihan kasi tuluyan na nila akong iniakyat sa taas ng aquarium. Tinanggal na nila yung kadena ko. Tinanong pa ko ni Mark kung ready na ko at umiling ako bilang sagot.

"Don't---ahhhh!!" Di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil sinabunutan niya ko at sobrang sakit nun. Napaiyak na lang ako sa sobrang sakit.

"IT'S SHOWTIME!!!!!" Sabay nun tinapon na niya ko sa tubig na parang isang plastic.

Nang nasa tubig na ko ay pilit akong umaahon. Ni walang hagdanan para makaahon ako. Mas naiyak na ko ng nararamdaman ko na yung pating. Napasandal na lang ako pero ng paparating na talaga yung pating ay no choice ako kaya lumangoy na ko papailalim para makaligtas lang. Nakita ko nga yung katanang sinasabi ni Mark. Di yun madaling hanapin dahil nakabantay talaga tong pating na toh. Nang makuha ko nga eh umahon muna ako para makahinga. Tinignan ko yung katana. Nang gigigil ako sa di ko malamang dahilan kaya naman lumangoy na ko papailalim at sinugod yung pating. Di ko naman natatamaan pero nang huling sugod ko eh nabitawan ko yung katanang hawak ko. Napapailing na lang ako sa katangahang iyun. Umahon na lang ako at naghahabol ako hininga. Nayukom ko yung kamao ko sa galit na nararamdaman ko, napasisid ako para hanapin uli yung katana. Nararamdaman kong sumusunod yung pating kaya mas binilisan ko. Napapagod na yung paa ko at mukhang wala na kong matatagpuan dahil sa salamin na dulo ng aquarium. Nakikita ko yung grupo nila Mark dun at may nakita akong pamilyar. Napadamba na lng ako ng wala na kong pag-asa pero yung pamilyar na yun.... At sa di inaasahan NAKAGAT YUNG PAA KO!!

Masakit yung paa ko, sobrang sakit at parang di ko na kaya. Napatingin uli ako sa salamin at yung pamilyar na yun ang nagbigay sakin ng lakas kahit nawawalan na ko ng hangin.

Habang kagat ng pating yung paa ko ay gamit ang dalawang kamay ko puwersahan kong ibinuka ang bibig ng pating. Nang matanggal na ay agad akong lumangoy pataas kahit sobrang sakit ng paa ko. Nang makakuha ng hangin, sumisid uli ako. Hinanap ko yung katana kahit malabo na yung tubig, nahanap ko naman siya. Ngayon ako yung susugod sa pating. Nakaaligid lng sakin yung pating at.......

~to be tutuloy~

Sino yun??

Bat di tinuloy?

-tinamad na ko magtype.

Bakit ka tamad??

Pls. Vomment!!!


MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon