Chapter 13

26 3 0
                                    


"Grabe bes ang complicated ng buhay mo" sabi yan ni Chew. Nakwento ko na kasi sa kanila yung nangyari sa akin itong mga nakaraang araw.

"Oo nga! Tapos isipin mo, kanina pinag aagawan ka ng dalawang poging lalaki. Ikaw na talaga bes!" Kaye

"Pshh. Hayaan niyo na sila. Parehas lang
naman silang panira ng mood ko noh"

Mag tatime na at niyaya ko na silang bumalik sa classroom. Pero si Kaye daw, magcucutting. Importante daw kasi yun kaya kailangan. Next subject kasi namin, lahat kami magkakaklase. Andami ko ng hindi alam kaya nagsimula na akong magtanong habang naglalakad.

"So, kamusta naman kayo this past few weeks? " I asked.

"Super busy. Kaya nga di ka namin nabisita eh, kasi busy kami sa pagpapractice para sa intrams" Chay

"It's okay. By the way, sino muse ng section natin para sa intrams?" Tanong ko sa kanila. Kasi laging kaming apat lang naman ang nagiging muse except kay Sally. Ayaw niya kasi sa ganyan thingy. Pero sa totoo lang, she's really pretty.

"Si Sally!" Masayang sabi ni Chew. Kyahh sa wakas, magiging muse na si Sally!

"Really? Kyahh I'm so happy for you Sally" natutuwa kong sabi.

Tumango lang siya na parang nahihiya.

"Okay lang yan Sally. Sure ako na ikaw na mananalo. Question and Answer portion pa lang panalo ka na" cheer ko sa kanya.

"Thanks. Ayaw ko kasing mapahiya section natin eh"

"Pshh pwede ba yun? Parang every year nga tayo nanalo eh" Chew

Nakarating na kami sa classroom. Wala pa namang prof pero nakaramdam ako ng inis. Kasama ko na naman sa section na to si Sean. Nag smirked pa sa akin.

Dahil malas ako ngayon, naunahan ako ng mga kaibigan ko. Wala man lang nailaan sa akin na upuan. Meron naman pero sa tabi yun ni Sean. Since wala na akong choice, dun na lang ako tumabi sa kanya. Panigurado puro kami away ngayon.

Dumating na ang prof namin. Tahimik na naman kami ni Sean. Pero I don't consider this as a awkward scene. Kasi ito, naiinis ako sa kanya. Bahala siya sa buhay niya.

Sana pala talaga sumama na lang ako kay Kaye. Nag remedial na lang muna sana ako ng mga lessons kesa sa ganto.

"Hey"...bulong niya. Pshh maka hey wagas. Close kami.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang na makinig sa akin guro kahit wala na akong maintindihan.

"Galit ka nga" ayan na naman siya jusko po.

"Pshh. Pwede ba, wag mo na akong kulitin." Pag pupumilit ko sa kanya.

"Fine. I'm sorry. Sorry babe. Masyado akong nagselos" totoo ba to? Si Sean Ivan Smith nag sosorry?

"I forgive you na. But please, don't be so jealous. I know its just only a fake relationship." Sabi ko sa kanya.

"Fine. I love you babe" kyahh nag I love you siya? Malamang pati yun pretend lang din. Tinignan ko lang siya at nginitian. Ayokong mag I love you too kasi Hindi naman talaga kami. Tsaka I promise to my self na sa tunay at seryoso Kong boyfriend ko lang yan sasabihin.

Nagsimula na kaming makinig ulit sa aming guro. Tinignan naman ako nila Chew na parang nagtataka kung bakit ko pinansin si Sean. Binigyan ko naman siya ng "mamaya na" look haha nagkakaintindihan kasi kami kahit sa mata lang kami nag uusap. 

Habang nakikinig kami, di ko maiwasang tignan si Sean. Aaminin ko, he's really handsome. Kaya ang daming nag kakandarapa sa kanya eh. Gwapo, Parang anghel pag nakatulala lang in short Perfect Boyfriend. Siguro kaya siya naging playboy kasi niloko siya ng  babaeng pinakamamahal niya.

"Gwapo ko ba?" Tanong niya sa akin sabay kindat pa.

"Siguro?"

"Sus. Gwapo kaya ako. Tinititigan mo nga ako eh" oo na pogi ka na!

"Asa ka"

"Don't worry. Maganda ka naman eh. Kaya bagay na bagay tayo" kyah wait,parang kinilig ako dun ah. Erase erase. You can't fall in love Cass.

"Tse! Makinig ka na nga lang!" Sabi ko sa kanya. Mamaya kasi masita kami.

"Babe" he whispered once again.

"Hmm?"

"Pwede bang ako na lang maghahatid sayo? Pauwi at pagpasok? Para safe ka" ano daw? Hatid sundo?

"Hmm okay. Ikaw naman bahala eh"

Ngumiti naman siya. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiting di pilit at di naka smirk. Mas lalo siyang pumopogi dahil na din sa singkit niyang mata. Bumalik na lang ako ulit sa pakikinig sa aming prof kahit boring.

After ng long discussion, uwian na! Yeahh excited ako umuwi. Ang sakit kasi ng katawan ko, o sabihin na din nating gutom din ako. Nagpaalam na ako sa mga best friends ko. As what he said, ihahatid nga niya ako. Okay lang naman. Pero puro kasi kami awkward moments.

Gusto ko sanang tanungin siya kaso baka isipin niyang feeling close ako.

"Cass?"

"B-bakit?" Bakit ba ako nauutal? 

"Hahaha. Ang cute mo pag nauutal" he said laughing. Bwisit tong lalaking toh! Okay na sana siya kanina.

"Sapak gusto mo?"

"Joke lang naman. Di ka mabiro" Di naman kasi talaga ako nabibiro. I'm serious about all things.

Nakadating na kami sa bahay at nagpaalam na rin ako kaagad. Back to normal na naman ako. Kaming dalawa lang ulit ni Mina.

"Atee!!" Sigaw ni Mina. Anong meron? Ang saya niya ata?

"Bakit?"

Nagulat naman ako at may biglang tumalon at tumatakbong aso. AHHH SI KITKAT!!!! Namiss ko toh! Kinuha kasi siya ni ate Isay nung pumunta siyang Tagaytay.

"Asan si Ate Isay?" Tanong ko sa kanya.

"Eh ,pinahatid lang yan ni ate Isay sa kapatid ng asawa niya. Busy pa din kasi sila hanggang ngayon."

"Hmm. Okay. Ipapasyal ko muna si Kitkat"paalam ko kay Mina. Pumunta kami sa malapit na park dito sa subdivision namin. Uupo sana ako sa swing ng may nakita akong lalaking batang umiiyak.

"Ah, bakit ka umiiyak?" I asked him.

"Nawala kasi bigla si Kuya eh. Huhu!"

"Gusto mo ihatid kita sa inyo?" Tumango naman siya at tinanong ko kung saan ang bahay niya. Pero bago pa kami makalakad, hinila na siya ng isang pamilyar na lalaki  na nakita ko na dati.

The Cassanova Lovers [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon