26th Hate: What is this surprise?

Magsimula sa umpisa
                                    

"At san naman yun?" kunot noo kong tanong.

Ngumiti sya. "You'll find out."

*

Malalaking ngiti at malalakas na palakpak ang sinalubong sa akin ni Anthony ng pumasok ako ng kanyang opisina.

"Well done Jessica. As expected from you, you never fail to get back up." pinat nya ang aking balikat saka itinuro ang upuan sa tapat ng desk nya. "Have a seat." turing nya.

"Kakainform lang sakin ni Bernadette. That you got our investors back at meron pang mga gusto ng partnership from international magazines." pananalita ko sa kanya ng makaupo ako.

"Oh yes!" naeexcite nyang sagot. "And not just that. All eyes and attention of the media are on us. We are not just back on the game but we also dominated the industry." malalaking ngiti nyang pag iinform.

Napangisi ako. Oh well, failures are not welcome with me. 

"So, kailan natin ibabalik ang operasyon ng opisina?" tanong ko. Aba, hindi ako makapagtrabaho ng maayos dun sa bulok at masikip na opisinang pinagsiksikan namin. Buti nalang magaling talaga ako.

"As soon as possible. And don't worry, we are moving to a better environment." punong positivity nyang pag iinform. "On the other note, naalala ko nga pala, what is this issue with you and my niece at tinawagan ako nun ng umiiyak at gusto kang paalisin ng kumpanya?" 

Naparolyo ang aking mga mata sa on the other note  nya. 

"Actually hindi ko alam dyan sa pamangkin mo kung anong tema nya sa buhay. But her accusations are false. Walang kahit na ano pa mang namamagitan sa amin ni Calleja. Noon man na sila pa o kahit na ngayon na wala na." paglilinaw ko sa kanya ng sitwasyon.

Tumango sya sa mga sinabi ko. "Ah yes. Most of the time, Beatrice acts on her own. Hindi ko din alam minsan kung san nya nakuha ang pagiging brat nya. I just want to hear your side, that's all. Besides, nasabi naman na sa akin ni Asher ang sitwasyon. I understand."

Napakunot noo ako sa sinabi nya. "At ano namang chinismis ni Calleja sayo?" mapanuring mga mata kong tanong sa kanya.

"The truth." simpleng ngiti nyang sagot.

*

Gabi na ng matapos akong magbasa ng aking mga email at magsend ng paisa isang reply sa kanilang lahat. Nakagawa na rin ako ng rough draft ng maaaring plano sa pagbabalik ng kumpanya. Mas madami at mabusisi ang mga gagawin namin ngayong opisyal ng ibabalik ang kumpanya. Hindi maaari ang pwede na, kailangan ay mas malaki at mas bongga.

Isang itim na ford taurus sedan ang biglang tumigil sa harapan ko ng pababa ako ng building

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang itim na ford taurus sedan ang biglang tumigil sa harapan ko ng pababa ako ng building. Napakunot noo ako at bahagyang sinilip ang driver na nasa loob, kahit halata namang tinted ang bintana ng sasakyan.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon