Gakuwesaribig

124K 2.3K 3.9K
                                              

I love words 

Those that are strange 

Unusual and unique 

Those that you cannot translate 

Those that are seldom used 

Yet, there's a feeling  

That I could not explain 

And not a nation has invented 

One for this 

So, I invented mine.

Gakuwesaribig 

By peachxvision

CHAPTER 1 

[Koi No Yokan] 

(n.) Kapag sa unang beses na makita mo ang isang tao, tingin mo may chansa kayong maging kayo.

Mahilig ako sa mga salita; mga salitang hindi masyado sinasabi ng tao, o yung mga salitang walang katumbas sa ibang lenguahe. Unfortunately, medyo sarcastic iyon sa pangalan ko-Anna Marie.

Wala namang mali sa Anna Marie. Nakakaloka lang na kung anong hilig ko sa unusual na mga salita at pangalan ay siyang common ng pangalan ko.

Anyway, wala naman tayong magagawa doon.

Sobrang amazed ako sa mga Japanese kaya may apple bangs ako, pero maikli lang yung buhok ko. Hindi ako ubod ng ganda, pero di naman ako sukdulan ng panget. Katamtamang panget lang.

Uh... Ano pa ba?

Isa na akong third year high school student na ang pangarap ay maging isang sikat na author. Mga tipong Nicholas Sparks, Lisa Kleypas, Jude Deveraux, JK Rowling etcetera. Pero sa ngayon, parang ang weird lang na ang pinakamataas kong grade nung first year ay sa Algeb at ang pinakamababa ko ay sa Journalism.

Hayayay.

Siyempre, bagong taon, bagong mga kaklase. Bagong buhay, bagong love life. Chos. Sa totoo lang, noong first year high school ko ang first boyfriend ko, si Crissander, Cris in short. Pero naghiwalay kami last year dahil sa madaming away at madaming hindi pagkakaintindihan. On off, on off. Tapos nabalitaan ko na lang na may iba na siyang girlfriend, si Hannah.

Ang sarap patayin ano?

Asan na siya? Andito pa rin sa school, two classrooms away. Moved on naman na ako-mej. Dinaan ko na lang sa pagbabasa ng libro at pagiging GC.

Sa totoo lang, masakit pa rin. Buti na lang may girlfriends ako, sina Belle at Ciara na talagang ginawa lahat makamove on lang ako. Ang tawag sa amin ay "ABC" for Anna, Belle and Ciara. LOL, how creative my classmates are.

Pero, naniniwala pa rin ako na may mga lalaking hindi katulad niya. Katulad... niya.

Well, hindi siya gwapo, cute lang with a question mark. Matangkad na sobrang payat, nakasalamin na may pagkachinito at tipong basta't may games, eh mabubuhay siya. Weird yung buhok niya kasi may buntot, na hindi daw pwede paputulan. Laging nakaheadset na hindi ko alam kung anong pinapakinggan niya.

Lagi ko siya nakikitang hawak yung cellphone niya, either nagtetext or naglalaro. Bagong transfer siya dito sa school so wala pa siya masyadong friends.

"Ui Anna, yun kaya?" 

"Aling ayun kaya, Belle?" 

"Si Mark?"

And yes, his name is Mark. Simple ano? At dahil bagong student, pinagtripan siya ng buong klase na maging class president. Nagulat siya actually doon, pero hindi na siya nakapagreact nung nag second the motion yung iba. Noong una, medyo awkward siya.

GakuwesaribigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon