Chapter 18: Stalker

1.2K 23 6

Chapter 18: Stalker

Napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa kahihiyan ni Daniel.

 

Paano ba naman, kung kumilos parang magnanakaw, bawat store na madadaanan namin magtatago dun tapos kunyari daw may baril siya. May sounds effect pa. Naiistorbo yung mga tao

dahil sa kaingayan nya yung iba naman tuwang-tuwang pinapanood siya especially girls. Dahil sa kaweirduhan niya pinapalabas na kami nung guard.

 

 

"Eh naglalaro lang naman ako kuya" pangangatwiran ni Daniel sabay kamot sa batok niya.

 

"Umalis na lang ho kayo Sir. Pinagtitinginan na po kasi kayo." magalang na wika nung guard.

 

 

"Eh syempre paanong hindi sa gwapo kong 'to?" nalaglag ang panga ko. Potek! Lalaki na ba si Daniel?! Sa gwapo kong 'to daw hindi sa ganda kong 'to.

 

Napatingin ako kay Monggi na ngayon ay palabas na sa mall.

 

 

"Lumabas na lang ho kayo Sir." mahinahon na sabi ni Kuya guard.

 

 

"Sis, palabas na siya." bulong ko kay Daniel. Napatingin siya sa palabas na si Monggi. Humarap ulit siya sa guard.

 

 

"Edi lalabas! Kaloka ka kuya ni-hindi ka man lang naepektuhan sa kadyosahan ko! Hmp. Tara na nga sis!" hinawakan nya yung braso ko at hinila palabas.

 

 

Napasinghap ang lahat ng taong nanunuod samin pati na din si Kuyang guard na nakalaglag ang panga.

 

Sino naman kasi ang hindi magugulat kung biglang lumandi ang isang lalaking manly kung makipagusap kanina.

 

 

"Akala ko ba magiging manly ka? Eh bakit pinakembot mo na naman yang pwet mo?" tanong ko sakanya habang papunta kami sa parking lot.

 

"Huwag kang mag-alala sis, last na yun." Bakit kami papuntang parking lot, pinanindigan nga kasi namin ang pang sstalk kay Monggi. Nakita kasi namin si Monggi na papuntang parking lot.

 

 

 

"Sweetiepie!" umalingawngaw ang sigaw nung lalaki kaya yung ibang tao napatingin dun sa sumigaw.

 

"Cesar? My baby!" Tili ni Daniel at patakbong lumapit dun sa sumigaw. Napataas ang kilay ko pero sumunod na din ako.

 

 

"Babe what are you doing here?" Tanong nung Cesar kay Daniel at hinapit niya ito sa beywang. Yuck! PDA.

 

 

"We're shopping lang nung friend ko. Babe si Yahnie nga pala" pakilala ni Daniel sakin. Napatingin naman sakin yung Cesar at tinignan ako from head to foot.

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!