- Dennise -

Nandito ako ngayon kasama si Myco sa SB.

"So ano na Myco Antonio?" Mataray kong sabi kay Myco.

"Grabe ah, ikaw na nga lang nanghihingi ng pabor ikaw pa galit? Binusted mo na nga ako tapos sinasamantala mo pa yung kabutihang loob ko." Nakapout nito sabi.

NAKAKAINIS! Palagi nalang syang ganyan! Palibhasa basted eh. Hahaha!!

  
   
Oo nga pala para hindi kayo maguluhan. Eto kasi yung nangyari.

The day after naming mag-Dinner nila Nicole eh, umamin din si Myco na gusto nya nga daw akong ligawan pero pina-stop ko na agad sya. To be honest gwapo sya para sa akin pero si Ly talaga yung gusto ko eh. Yung kay LA naman kasi dati parang experiment ko lang yung kung magkakagusto ba talaga ako sa lalaki pero hindi talaga eh.

  
   
So ayun nga, balik tayo sa kwento. After ko syang ma-busted, Tinanong nya ako kung si Ly ba yung dahilan, kaya nagsabi ako ng totoo.

   
Tapos ngayon, nagreprisenta sya na tumulong sa Lovestory namin Ly. Oo Martyr nga po sya!

Ngayon, tinutulungan nya akong mag setup para sa surprise na proposal ko kay Ly bukas rooftop ng Med. Bldg.

Gusto ko ako naman yung manliligaw sa kanya, pambawi na din.

"Okay, okay, sorry na! Kung ayaw mo naman kaya ko naman gawin eh." Nangongonsensya kong sabi.

"Joke lang! Eto naman. Oo na! Pasalamat ka mahal kita."

"Thankyou!" Pang-asar kong sabi.

"Ouch." Pabirong sabi ni Myco.

 

 

Sakto namang dumating si Nicole at tumabi sa akin.

"Naks, lakas mo din talaga dito Den sa pinsan ko eh noh. Hahaha." Pang-asar na sabi ni Nicole sa akin. "Ano Mycs? Pagawa na ba ako ng istatwa mo sa Trece? Pede ka pa naman daw dumagdag doon eh." Pang-aasar naman nito kay Myco.

"Hay nako Nics, kung pede pang dumagdag ang mga Martyr sa pag-ibig doon sa Trece, nakuh! Baka milyon na kami!" Pilosopong sabi naman ni Mycs.

"Hay nako, itigil nyo na nga yan, nangongonsensya lang kayo eh." Sabi ko tapos pout.

"Hoy! Hindi ah, sino bang nangongonsensya?" Painosenteng sabi ni Nicole. "Pero alam mo Den kung si Myco nalang-----"

Napatigil naman sya kasi sinamaan ko na sya ng tingin.

"Sabi ko nga Myco eh! Pinagpipilitan mo pa kasi eh!" Bawi naman ni Nicole.

Natawa nalang kaming dalawa ni Myco kay Nicole. Ang kulit naman talaga 😅

Oo nga pala, silang dalawa din pala yung naglakas loob na sabihin sa magulang ko yung nararamdaman ko. Kasama ko silang pumunta sa Bahay! Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kapal ng mukha masabi lang kila Mommy yung nararadaman ko.

<< Flashback >>

"Shit, guys! Tara na umalik na tayo sa Ateneo! Ayoko na!" Takot na takot kong sabi.

"Hindi kelangan mo tong gawin! Para sa Bayaaaan!" Sigaw ni Nicole.

Saktong pagkasigaw naman ni Nicole,eh lumabas si Nay Linda, yung kasambahay namin.

"Sino yan?" Sigaw ni Nay Linda.

Shi-----!

Tatakbo na sana ako palayo kaso huli na.

Why don't you Love me?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!