Chapter 26.1.3

388K 3.8K 54
                                    

CHAPTER 26.1.3

SEBASTIAN

Maaga pa lang ay umalis na ako sa penthouse dahil na rin sa kagustuhan kong umiwas sa media. Pakiramdam ko ay isang panibagong buhay na naman ang kailangan kong pagdaanan. Ang hirap gumalaw nang hindi ko nakikikilala ang mga kalaban ko.

"Sir, nandito na po si Velasquez."

Ang tinutukoy ni Spencer ay ang private investigator na siya mismo ang nag-hire.

"Let him in." Tumango ako at agad na isinara ang laptop na nasa harapan ko. Hindi pa man ay kinakabahan na ako sa malalaman ko patungkol kay Matt. I am worried of Ady's safety. Ayoko namang isipin ni Ady na pinagbabawalan ko lang siyang makipagkaibigan kay Matt.

"Good morning, Sir," pormal pang bati ni JR Velasquez sabay abot sa kanyang kamay.

"Good morning," pormal rin namang bati ko at nakipagkamay. Sinenyasan ko siyang maupo sa tapat ko at si Spencer naman ay sa tagiliran ko lumagay.

This is actually the first time I am meeting him because normally ay si Spencer na ang pinapagalaw ko pagdating sa security.

"What do you have for me, JR?"

"This might be helpful."

Iniabot niya sa akin ang isang brown envelope.

Hindi na rin naman ako nag-aksaya nang panahon at binuklat na iyon.

"I hear what happened, Sir... I'm glad you're okay," dagdag pa niya.

"Thank you." Tipid akong ngumiti at agad na ring pinasadahan nang basa ang ilang records ni Matt.

"Mmm..." Halos hindi ako makapaniwala sa nababasa ko. "He was adopted. He came from an orpahanage?" pagkumpirma ko pa sabay sulyap kay Spencer.

"That's right, Sir... A certain Celestina Abriaga left him there." Si JR. "Inembestigahan ko na rin po si Celestina Abriaga, Sir. 'Yun pong laman nang isang envelope."

"Impressive, JR," puri ko pa sabay tango rin kay Spencer.

"Hindi pa nga lang po kumpleto ang mga records na nakuha ko. Lumalabas po na nakakalimang asawa na po si Celestina... and that makes you..." Alanganin pa siyang napatitig sa akin.

"Number five, JR." Hindi ko na rin ikinaila sa kanya.

"Kumukuha pa po ako nang ilang records patungkol d'un sa mga diniborsyo niyang asawa."

"Good. I want a complete profile of those, too."

"Yes, Sir. Wala po ba kayong kilala sa ibang naging asawa niya?"

"Wala..." Bahagya pa akong umiling.

"Sige po, Sir. Ako na po ang bahala d'un."

"Thank you ulit, JR. I hope makuha pa ang ibang info na kailangan ko."

"Yes, Sir. I have a lot of good and reliable sources, Sir. I will never fail you." Seemed like he really knew what he was doing.

"Thank you." I dismissed him.

Panandaliang inihatid ni Spencer si JR sa pinto at muli akong binalikan sa table ko.

"If I am not mistaken, Spencer. Siya 'yung anak ni Celestina na ipinaampon niya." Agad ko pang iniabot sa kanya ang papel.

"Sa palagay ko rin, Sir." Hinapyawan din niya nang tingin ang papel. "Ano pong balak ninyo?"

"Kung kailangan niya ng pera bakit kailangan pa niyang manakot?" I asked, still completely puzzled.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon