Kabanata 46

149K 2.4K 169

Dedicated kay @Princess24b saka sa Tita niya! :) Thank you sa support! ;) 



Kabanata 46



Panay ang sigawan ng mga bisita namin dito sa reception dahil sa paghalik saakin ni Drake ngayon! Pulang pula na nga ang mukha ko at hindi ko na alam kung saan ako magtatago!

Marahan niyang pinaghiwalay ang labi naming dalawa at nginitian niya ako. "This is the best birthday I ever had." Bulong niya, nagsasayaw kami ngayon sa gitna habang pinapanood kami ng mga bisita namin.

Panay ang pagmumura ng dimples niya saakin at naniningkit pa lalo ang singkit niyang mata, sobrang saya niya talaga.

"H-happy birthday Drake.." Nauutal na bulong ko at nag iwas ako ng tingin sakanya, bigla siyang ngumisi.

"Bakit hindi makatingin saakin ng diretso ang asawa ko?" Tumatawa tawang tanong niya saakin saka hinawaka niya ang baba ko gamit ang index finger niya, pinagtama niya ang mata naming dalawa.

"Namumula ka din.." Masayang mungkahi niya!

"Masaya lang ako.."

Ngumiti siya at ikinulong niya ako sa bisig niya habang sinusundan ng mga paa namin ang rhythm ng kanta, inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya at yumakap na rin ako sakanya, naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"Drake, hindi ba nakakatawa? Nung gabing nagkakilala tayo birthday mo yun, at ngayong ikinasal tayo birthday mo din.." Bulong ko, tumawa siya at naramdaman kong mas hinigpitan niya ang pagyakap saakin, ang bango bango niya para bang hindi nauubos ang bango sa katawan niya.

"Siguro destiny 'to sweetheart.." Tumatawang sabi niya,

"Isipin mo, binigyan ako ni Lord ng chance na mabuhay sa mundong 'to at yon ay nung pinanganak ako ni Mama. Binigyan din niya ako ng chance na makilala ka at yon ay nung mismong birthday ko, at ngayon isang napakalaking pagkakataon talaga na pakasalan ang babaeng mahal na mahal ko sa araw ng birthday ko. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya, hawak mo na ang apelyidong iningatan ko para sayo. At hawak mo na rin ang buong puso ko." Kung dati nakokornihan ako sakanya, ngayon naman walang ginawa sa pagsayaw ang puso ko. Tuwang tuwa ito dahil sa mga naririnig ng tainga ko na ipinapadala sa puso ko! May mga paru parong nagliliparan sa tiyan ko at alam kong dahil iyon sa lalaking kayakap ko ngayon.

"Ang bait ni Lord, dahil ako ang napili niya para sa destiny mo." Bulong ko, ipinikit ko ang mata ko at mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.

"Sana...ako rin ang mapili ni Lord na makasama mong tumanda." Bulong ko, bigla niya akong inalayo sa pagkakayakap niya at pinagtama niya ang mata naming dalawa.

"Sweetheart..matutupad yon, h'wag kang mawalan ng pag asa. Magtiwala lang tayo." Desperado ang boses niya, para bang ayaw niya yung huling sinabi ko kanina dahil sa tono ng pananalita ko parang nanghihina ako, nginitian ko siya.

"Nagtitiwala naman ako Drake, hinihiling ko lang na sana mapagbigyan niya ulit tayo. Ang dami dami ko na kasing hiniling sakanya, at kota na rin ako sa kasalanan sakanya. Sa tingin mo ba karapat dapat pa rin ako?" Bulong ko sakanya, hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong niya iyon sa dibdib niya, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!