Chapter 9

-------

[Aerith's Heart]

>>>November 15

2 months na nakalipas since napasali na ko sa so-called "barkadang lutang".

Mababait naman sila at masayang kasama, nasesermunan ko na nga si Jake dahil sa pagiging babaero niya eh tas kasama ko na rin sila magstudy, natuturuan ko sa Physics si Gabriella at Harold.

Si Renren? Kahet papano naman ay napapangiti niya ko, parang nga pag kasama ko siya, nakakalimutan ko na na may sakit ako...hayyy ewan ko ba pero napapasaya niya ko kahet na ang sungit niya pa rin.

Ni isang beses hindi ko pa rin nakikitang ngumiti. Psh. Heartless talaga.

At ngayon, kasama ko si Renren at papunta kami sa bulletin board para makita yung ranking nung 2nd quarter.

"Kelangan pa ba talaga naten tignan yun? Eh given naman na lagi kang top 1 eh!" pagrereklamo ni Renren.

"Aish. You're such a whiner, daig mo pa babae! Ehh basta! May titignan ako!"

Wala naman talaga akong pakialam sa rank ko eh, may iba akong titignan:)

Nung makarating na kami sa may bulletin board...

"Oh tamo. Sabi ko sayo Top 1 ka pa rin eh." sabi niya habang hinihila niya ko.

Pero ako may iba akong hinahanap.

"Huy, ano bang hinahanap mo diyan?"

"Your name."

"WHAT?!"

"Ang sabi ko hinahanap ko pangalan mo!"

"Baket?? Parang sinabi mo na may lumilipad na baboy!"

"Psh. I believe na andito lang pangalan mo."

"Tss." he just hissed then tinalikuran niya na lang ako.

Hanap

Hanap

Hanap...

#41

#42

#43

.

.

.

.

.

#48

#49..

!!!!

"DARREN ZAK VALENZUELA!!!" I shouted as I pulled his sleeve para makalapit siya sa bulletin board.

"RENREN! #50 KA!"

At parang gulat naman ang mukha niya na parang di naininiwala kaya naman tinignan niya agad yung pang-50.

Nanlaki yung mga mata niya.

"Sh*t! Oo nga!"

"Odiba! Sabi ko sayo eh! I believed in youuu!!"

Tas bigla siyang humarap sa kin

"Uhh... Aerith salamat ah?" tas nagtama bigla ang tingin namin at...

OH.MY.GOSH.

...he smiled!

For the first time in history!! Wahhh.

*dug dug dug*

Hala what was that?? Inaatake na naman ba ako? Pero hindi naman masakit?

*dug dug dug dug*

I looked again at Renren.

Shocks! He’s still smiling at me!

Parang nagslow motion ang lahat.

Teka, andaming nagdadaldalan pero ba’t parang mas maingay yung naririnig ko na heart beat ko??

Tas parang may kung anong gumagalaw sa tiyan ko...

*dug dug dug dug*

Wahhhhh!

Kelangan ko na siguro pumunta ng clinic!

Napahawak na lang ako sa may chest ko at iniwasan ko na yung tingin ni Renren.

“U-uh…. Renren! A-alis m-muna ako a-ah?” whaaa ba’t nauutal ako?

Shocks parang pinagpapawisan din ako ng malamig.

Emergency!!

“Ha? Okay ka lang? Samahan na kita.”

“Ah! Hindi na! Kaya ko na ‘to!” sabi ko tas tumalikod ako sabay senyas ng ‘okay’ sa hand ko.

“Sure ka?”

“O-oo! Osige, kitakits na lang mamaya!”

Hindi ko na hinintay yung sagot niya at kumaripas na ko.

Nang makarating ako sa clinic…

“Miss Nurse! Tulungan niyo po ako!”

“Ha bakit anong problema?”

“Y-yung puso ko po parang irregular ang heartbeat!”

“Ay nako! Bakit hija? May sakit ka ba sa puso?”

“W-wala po..” pagdeny ko.

“Eh ano bang nararamdaman mo?”

“Eh kase po… bigla na lang lumakas at bumilis yung tibok ng puso ko pero hindi naman masakit.. tas parang nagslowmo lahat.. wahhhh mamamatay na po ba ko??”

Biglang napalitan ng ngiti yung kaninang worried na expression ni miss nurse.

Hala baket?? Natutuwa siyang mamamatay na ko??

“Hija, ikaw naman pinakaba mo ko!”

“Ehhh baket po kayo nakangiti??”

“Hija, nainlove ka na ba?”

.......

“P-po??”

“Nainlove ka na ba?”

“H-hindi pa po!”

“Eh kaya naman pala hindi mo alam yang pagtibok ng puso mo.”

“Ano po? Hindi po kita maintindihan miss nurse.”

Nagbuntong hininga si miss nurse, nilagay niya yung right hand niya sa may chest niya.

“May kasama ka bang lalake kani-kanina lang?”

“P-po? Pano niyo po nalaman??”

“Basta. Masaya ka ba pag kasama yung lalaking yun na parang wala nang bukas at parang wala kang problema?"

"Oo naman po! Lagi niya kong napapangiti kahet masungit siya sa kin! Pero baket po napunta sa kanya ang usapan??"

Lakas makachange topic si miss nurse. Paano na ko???

"Eh nung nakasama mo ba yung lalake na yun, biglang nagkaganyan yung heartbeat mo? Tas parang may kung ano sa tiyan mo?”

“Hala miss nurse! Manghuhula ka ba??”

“Hinde. Pero alam ko na yang nararamdaman mo.”

“Ano po? Hindi po ba ako mamamatay dito?”

“Hindi ka mamamatay.” Tas napatawa muna saglit si miss nurse bago niya ituloy ang sasabihin niya.

“In-love ka dun sa lalakeng nakasama mo kanina.”

Miss Nurse--> ^____^v

Ako--> O_______________________O

ANO DAW??? AKO??? IN LOVE??? KAY RENREN????

NO WAY!!!!!

My MiracleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!