CHAPTER 17

13.7K 117 15

PERV’S POV

 

“Sophia….si Rex?” tanong ko kay Sophia nung nakababa na ako.

“Maagang nagdyajogging eh”, sigaw niya. Nagluluto kase siya ng ulam sa may kusina.

“Sophia…alis na ako, pakisabi nalang din kay pareng Rex. Salamat sa pagpapatulog sa akin dito!” sigaw ko talaga para marinig niya.

Agad agad naman siyang lumabas sa kusina at lumapit sa akin.

“Alis ka na? Dito nalang tayo magbreakfast. Antayin nalang natin ang asawa ko”, sabi niya like holding me back for breakfast.

“Hindi…thanks nalang. Kailangan ko ng umuwi. Magbabaka sakali akong wala na sila dun sa may condo ko”,sagot ko.

“Sige Perv. Ingat”, sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako at umalis na. Dahil sa nangyari kagabi. Naiwan ko pa tuloy cellphone ko sa condo. Di ko tuloy na text si Saphire. Galit na ata yun ngayon eh.

Nagtaxi lang ako papunta sa condo. Nilingon lingon ko ang paligid. Wala na din naman yung limo, pero nandun pa din mga SUVs. Hindi ko nalang ito inintindi at nagpatuloy na sa pag-akyat sa may unit ko.

Pagkalabas ko sa elevator, across the hall, nakita ko ang mga bastardong henchmen ng mga magulang ko na nakaupo sa sahig. Yung iba tulog pa.  Napalingin nalang ako like I’ve been to a god-awful place.

Napansin ako ni Jims. Agad agad siyang tumayo, nagulat naman yung iba sa pagtayo niya kaya napalingon na din sila sa direksyon kung saan ito nakatingin. Pinaggigising ng iba ang mga natutulog at sabay tayo.

“Good Morning young master…” bati nila sabay bow.

I rolled my eyes and started to walk. I just have my way pass through them.

“Young master…” sabi ni Jims.

“Not now Jims! Wag mong sirain ang umaga ko…”, sabi ko sa kanya. Dati nung nasa London ako, kahit head butler lang namin siya, mas malapit pa ako sa kanya kesa kay daddy. Mas naging responsible pa siya sa akin kesa sa tunay kong ama.

Narinig kong nagbuntong-hininga siya.

“Pervince…come on…”, he still continued to convince me.

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!