CHAPTER 13

13.6K 108 9

Perv’s POV

 

Nandito na ako sa may Blue Generations Hotel and Restaurant. Mga 7:55 na pala, nandito lang ako sa may bukana ng restaurant nakaabang kay Ms. Saphire. Ayokong maghintay naman siya sa akin, nakakahiyang paghintayin ko ang isang sikat na model.

Naka fit slacks lang ako tas naka white polo shirt na open yung first three buttons. Nakanecklace din ako at bracelet. Yung gold necklace ko na bigay pa sa akin ng lolo ko. Naggatsby na din ako, yung wet look. Kaya kahit matagal na, parang bagong ligo pa din ako. Kailangan ko atang magpagwapo ngayon, aba modelo kasama ko eh. Pero teka, panu pagnakilala niya ng mga tagarito? Edi kuyog ako sa kanla pagdinumog sya dito. Sana naman hindi mangyari yun.

Three minutes later, dumating na din siya. Hinatid pa siya ng isang ford. Ang yaman nga talaga niya, kung hindi lang ako naglayas kela mommy at daddy baka nasundo ko pa siya ng sasakyan ko ngayon. Kaya lang, paghindi rin ako naglayas, hindi niya naman ako mahahire kase hindi naman ako magiging strippler eh.

Pero ba’t ko ba iniintindi yun? Ang mahalaga ngayon, andito siya.

“Hi”, nakangiti niyang bati sa akin. Nakaabove the knee dress siya, tas nakakulot na buhok niya ngayon, straight ‘to kagabi eh. Ang sexy niya sa suot niya. Tas nakaheels pa siya. May dala din siyang gold purse. May head dress siya kaya hindi pansin na siya talaga si Saphire Ravens, maliban nalang kung titigan talaga siya.

“Hey”, ngiti kong reply sa kanya.

“Kanina ka pa ba dito?”

“Hindi naman, kararating ko lang…”, sabay ngiti.

“So tara na? pasok na tayo?” , tanong niya.

Tumango lang ako at sumunod na sa kanya.

Dun kami sa may high class section. Syempre okay lang sa akin, kahit ako pa magbayad. Okay na okay lang sa akin. Si Ms. Saphire naman kasama ko eh.

Nung pagkaupo namin, sabay lapit naman nung waiter.

“Good Morning Sir, Good Morning Maam… before I will take your orders, I would like to impart to you the promo of BG Hotel and Restau… since you’re the last costumer for the day, you’ll be given a free hotel accommodation. You may use it anytime today”, sabi nung waiter sabay abot sa akin nung coupon. Oo nga, kami pala ang last customer. Nakapabook daw kase sila kagabi. At saka , holiday season naman kaya talagang punuan  mga hotels.

Nagkatinginan lang kami ngayon. Hawak-hawak ko pa din yun coupon certificate sa kamay ko.

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!