Saphire’s POV

Nagising na ako, mga bandang alas 6 na ng hapon. Wala pa din si daddy. Nasa baba na kase ako at si gats, kumain na muna kami.

Pagkatapos namin kumain, saka naman kami umakyat sa kwarto ko.

Ngayon namin tatawagan yung lalaki.

“Gats ano na? ready ka na ba?” tanong sa akin ni Ruby sabay pindot ng digits sa phone screen niya.

Tumango nalang ako.

Calling…..

Calling…..

Tas maya-maya…

“fsduask….Hello?” boses ng isang lalaki sa kabilang linya.

“Huwaaaww! Boses pa lang…ulam na….”, impit na bulong sa akin ni Ruby tas bahagyang inilayo yung phone. Baka marinig eh, tas agad-agad din naman siyang sumagot.

“Uhm…hi… Are you Pervince?” malambing na sagot ni gats dito tas naggrin sa akin. Talandi talaga nito, agawan pa ako. Wait! Did I just say that? Anyway, kunwari di niyo narinig.

“Yes…” ayon ang ikli ng sagot niya.

“May deal sana ang alaga ko for you and I’m her manager. Can we come by at your place so we could discuss about it?” ayon, naging propessional na agad agad si Gats. Buti naman, kinabahan ako dun ah.

“Deal? Uhm..let’s see…. Uhm…sure…”, sabi niya.

“Can we have the address?” tanong ulet ni Ruby.

“Do you have a pen and a paper with you?” tanong ulet nung lalaki.

“Wait,….” Putol ni gats sabay tayo at kinuha yung paper at ballpen ko na nasa may side tabale… “Okay, I have now…”

“Okay then… Meopdiod Iallagant Condominium, floor 31, room-6”, ayon binigay niya na yung location niya.

“Are you free this instant?”

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!