SAPHIRE RAVEN’S POV

“Ding Dong Ding”

Bumukas na yung pinto ng plane na sinakyan ko. Air Philippines kasi yung sinakyan namin ni Ruby. Mga alas 9 na din…

“Gats, papasundo daw tayo ni daddy mo?” tanong sa akin ni Ruby habang palabas na kami.

“Oo daw gats. Si Mr. Guiller daw papasunduinn niya sa atin”, sagot ko naman.

Pagkalabas na pagkalabas namin at nakuha na namin mga bagahi namin. Agad kong nakita ang mga henchmen ni daddy, nasa may bandang opening sila nung rail. Nung nakita nila kami agad naman silang lumapit at kinuha sa pagkakahawak namin yung mga bitbit namin.

“Good morning Lady Saphire….Ms. Ruby, morning”, bati sa amin ni Mr. Guiller, ang head butler sa bahay.

“Morning ^_^”, masaya din naming reply sa kanya.

“Let’s be on our way then”, sabi niya tas binuksan na yung pinto sa may ford at dun kami pinasakay. Tatlo baling kotse ang sumundo sa amin. Nasa gitna bali kami may nakauna at nakabuntot sa amin.

Pagkadating namin sa bahay…..

“Saphire honey…^_^”, masayang bungad ni daddy sa akin sabay beso beso at yakap…niyakap ko lang din siya pabalik.

“Ruby..” sabi niya sabay beso beso kay gats.

“Kamusta naman ang flight?” tanong niya sa amin pareho.

“Okay lang naman po, pero nakakaexhaust…” si Ruby na sumagot.

….

“Kumain na tayo?” yaya ni daddy.

“Okay po…” sagot naman namin. 

Habang kumakain kami, ang dami naming pinagkwentuhan. Una tungkol sa buhay ni Ruby, lahat na lahat na dun kasali. Yan kaseng babaeng yan madaldal. Pagkatapos niya, tinanong niya naman si dad kung kamusta ang lahat  dito, sumagot naman siya na okay lang. Tas bakante daw yung isang shop namin, nagresign daw kase ang Manager dun. Tas mga next week daw pupunta naman siya sa Australia para asikasuhin ang Raven Holdings. Kase may kunting problema daw ang kompanya namin. Sunod naman ang tungkol sa akin ang pinagkwentuhan namin. Sinabi ko kay dad ang buong nangyari sa amin ni Clint. Hindi siya makapaniwalang nagawa yun ni Clint, matahimik daw kase yun. Oo nga, matahimik ngang tao yun pero sa loob naman ang kulo, magcheat ba naman? At ang masama pa, nahuli ko siyang nagsisex ng mistress niya. Nagulat nga siya nung makita nya ako pero right at that instant, nakipaghiwalay ako sa kanya kahit pa man engaged na kami.

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!