Bali anim kaming lalaki; ako, si Rex, si Peter, si James, si Matthew, at si Melchor, tas apat na babae; si Eurika, si Jane, si Celine na gf ni Matthew, at si Nympha na gf naman ni Melchor.  Lima daw sana dapat eh hindi sumama yung girlfriend ni Peter kase may business trip daw.

Mga bandang hapon na at hindi  pa rin naman naabot ang tuktok, panay kase ang stop namin kase  panay din ang reklamo ng mga babae. Mukhang dito na rin kami magpapalipas ng gabi, mahirap na, kung magpatuloy pa kami baka umulan tas hindi pa kami nakapagset up ng tent namin.

Dito kami sa may medyo mapuno na parte ng bundok, tas okay naman kase sa bandang di kalayuan, may parang batis na hanggang bewang yung lalim. Okay na sa pagnanight swimming. Ayos! Nakasanayan ko na kaseng maligo kada gabi kaya perpektong site ito.

…………

“Matt, magset ka ngang campfire”, ika ni Peter.

“Geh , teka. Maggagather lang akong kahoy”, sabay tayo.

“Teka! Hon, sama ako…”, sabay tayo din ni Celine.

“Dito ka nalang hon, malamok eh…”

“Di, saglit lang. kuha lang akong jacket”, tas pumasok si Celine sa tent nila ni Matthew, pagkalabas niya, lumapit naman siya kay Matthew at umalis na sila.

“Chor, luto na ba yan?”, tanong ni Peter.

“Malapit na ‘to… mga 15 minnutes nalang siguro…Bago ko pa kase nalunod yung karne ng manok”, sabi ni Melchor. Sila ni Nympha at Eurika ang nagluluto. Si Rex nag siset palang ng tent niya. Ako tapos na eh. Si Peter naman, nagtitext sabay labas nung ibang kakanin at minatamis na pinadala daw ng syota niya para sa MC.

……………………………

Maya-maya’y dumating na sila Matthew at Celine. Tumulong na ako sa kanlang magset ng campfire. Tas pagkatapos, naggather around  kami dun. Nagsiserve na sila Melchor, Nympha at Eurika ng chicken soup sa amin. Tas ayun, kumain na kami.

Pagkatapos namin kumain, magkwentuhan kami habang kumakain ng mga dalang kakanin at minatamis ni Peter.

“James, simulan mo nga pagkukwento…”, sabi ni Melchor.

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!