Chapter 10: Training Mishaps

The Modifying Charm: the power to kill or make a Charm even more powerful. Kaya nitong gamitin ang charm ng isang tao laban sa sarili niya. But a modifying user has to control it first.And controlling a Charm is way more difficult and dangerous than I thought.

Pumasok ako sa training room nang araw ding yun na sobrang kinakabahan. I don't even know what will happen here. Nakita ko na minsan kung paano magtraining ang gaya ni Jett na may dangerous Charm and I really don't like what I saw. I wonder if ganun din ba ang mangyayari sa akin.

"Ano tatayo ka nalang ba dyan at tutunganga?" Jett's deep voice filled the room.

Nakasandal siya sa pader at nakacross ang braso sa harap ng dibdib. Halata mong hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari. He wears this annoyed look in his face. I told you, he doesn't even want to do anything with me.

Our training room is a huge area— more like a dimension, kung saan malaya kang gamitin ang Charm mo. There's no restrains here. Which makes things really worst. Ramdam ko mula sa kinatatayuan ko ang Charm ni Jett. Its steaming in his body na para bang nagpupumilit na makawala. If I touch him mapapaso ba ako? Definitely. So, hindi ko na dapat subukan pa.

Pagtapak ko sa loob ng room ay agad na sumara ang pinto. Napalunok ako. Now I'm here. Alone. With Jett. And his dangerous Charm.

"Let's start." Mabilis akong napatingin sa mga mata ni Jett nang sabihin niya yun.

"You still have to orient me about the rules. That's what Sir Chase told me." I said as calmly as possible.

Jett smirked realizing na fake lang ang pinapakita kong tapang sa kanya. And it seems I was back to that day. The day I first met him at the back of the school building.

"There's only one rule you should know in training."

"Say it!"

"There's no rule."

Nabura ang determined na mukha ko at napalitan iyun ng magkahalong panic at takot. Lumapit si Jett sa akin at napaatras ako. "Wait! Hindi pwede yun. Training has rules. We should start from the very beginning." I'm surprised that I could say those words clearly because deep inside I was chocking.

"Nagsisimula na tayo." Seryosong sabi niya. Great. Now what Ariela?

"No— Not liked this— I mean—" Damn! I hate this guy with passion.

"Hindi ako magpipigil. You should control my charm, that's the first lesson. Kung hindi mo ito nacontrol, pareho tayong magiging abo sa lugar na ito."

Jett held his both hand in the air after saying those words. And quick as a flash a fire started. It's blazing nonstop kaya mula sa isang fireball ay mabilis itong lumaki. Is he serious? Talaga bang naniniwala siya na kaya kong controlin ang Charm niya? Did he even realize that I don't even know what to do?

Lumaki ng lumaki ang apoy sa palad niya and I was taken aback when he crush his blazing hands on the floor. Mabilis na kumalat ang apoy sa training room na para bang wild fire. Pinapalibutan na kami ngayon ng apoy and the heat is definitely filling up the room. Napatingin ako kay Jett na hinihintay ang gagawin ko. He's so cruel, I swear.

"Kung anong ginawa mo noong gabing yun ulitin mo lang."

I mentally want to punch him in the face. Napaka helpful ng advice niya, really. Para namang may natatandaan ako sa mga pinaggagagawa ko that night. I don't even want to remember. That was one of the worst freaking night of my life. Holy crap! What the hell should I— Natigilan ako sa aking mental monologue nang biglang dumilim sa loob ng training room.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!