Summer Class (Short Story)

249K 6.1K 2.4K

 Summer Class.

Rizal 101. The life and works of Dr. Jose Rizal. 3 units 1:30-3:00PM. Room 1109. CBA Building.

I looked at my schedule again at halos lakad takbo na ako papunta sa room namin.

Malelate na ako.

Nung makarating na ako sa room huminga muna ako ng malalim bago pumasok. hinihingal kasi ako.

Nung pumasok ako madami nang estudyante. Hinanap ko ang mga kablockmates ko at sumenyas sila sa akin na doon ako umupo sa tabi nila.

Pumunta na ako sa tabi nila oblivious of the eyes na nakatingin sa akin.

"Yna, nagsuklay ka na?" Tanong ni Aileen sa akin. Isa sa mga kabarkada/blockmates ko.

"Ehhh Wala na akong time. late na kasi ako." Tumawa yung mga nakarinig na kablockmates ko.

Sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang mga kamay ko tapos huminga ulit ako ng malalim. Mabuti na lang wala pa ang prof.

Ako nga pala si Yna. Hindi ko na sasabihin ang apelyido ko. 3rd year Accountancy student ako. Yung mga blockmates ko yun ang mga kaklase ko sa Accountancy. 13 lang kami at babae kaming lahat.

Lahat kami nagsasummer class kasi alam namin na pag fourth year na kami kailangan magfocus sa mga majoy subjects namin at sa mga review in preparation for the board exam.

Kaya ito kami ngayon, instead na nageenjoy sa summer, nag aaral pa rin kami.

"Sayang!" Pabulong na sabi ni Angel. Napatingin ako sa kanya.

Tapos siya tumingin sa may bandang harap ng classroom. Sinundan ko ang tingin niya at napatuwid ako ng upo. Paano ba naman kaklase namin ang crush ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko tapos napangiti ako. Nung tiningnan ko ang mga blockmates ko napapangiti na din sila.

Hindi naman pala ganun kasama ang magsummer class.

Days, weeks, and a month passed.

Ang notebook ko sa Rizal drawing ang lahat ng laman.

Bored na bored ako sa Rizal Class ko. Dead hour pa naman ang oras. Kung hindi lang dahil sa crush ko at kung hindi lang dahil sa nahihiya ako sa kanya baka natutulog ako palagi.

Teka sino ba si crush ko? Name niya Aidan.  3rd year Marketing student din siya. Matangkad siya, mga 5'10 to 6 ft ang height, tapos moreno at ang cute niya ngumiti. At isa pa ang nagustuhan ko sa kanya. Matalino siya. Paano ko nalaman? Kasi dean's lister din siya palagi.