chapter 1

1 0 0

Lanny's POV.

Nagising ako sa tumatamang liwanag sa mukha ko na sumisilip sa kaunting bukas na kurtina. Tinignan ko muna ang orasan na nasa maliit na table sa gilid ng kama bago umupo

"7 na pala" bulong ko

Bagot akong bumangon sa higaan at nagtungo sa banyo ginawa ang daily routine ko mumog,toothbrush at hilamos. Inayos ko muna ang buhok ko bago bumaba ..

Napabuntong hininga nalang ako ng makita ko ang kabuuan ng bahay sobrang tahimik ng paligid halos mabingi ako

Habang papunta ako sa kusina para magluto ng breakfast biglang nag ring ang cellphone ko dahilan para mapatigil ako

*mom calling ....

Nang mabasa ko Kong sinong tumawag bigla nalang akong Napa simangot nagdadalawang isip tuloy ako kong sasagutin ko ba o hindi pero sa huli napagpasyahan ko nalang na sagutin ito.

"Hello anak?"

Rinig kong sabi sa kabilang Libya

"Yeah?" Tipid kong sagot

"Are you okay there? what if magpadala ako diyan ng yaya para may mag ayos at may makasama ka?"

Is she freaking serious!? Tsk! Kaya nga ako lumayo sakanya at bumili ng sariling bahay para mapag isa tapos sasabihin niya yan?

"No need. I can take care of myself and beside kaya nga ako nagsarili dahil gusto kong mapag isa and you know that" cold kong sabi

Narinig ko syang Napabuntong hininga

"Anak gusto ko lang na--

"Kung yan lang naman ang sasabihin mo di kana sana nag abala pang tumawag. You just wasted your time and don't act as if you care"

Bago pa sya maka pag salita pinindut ko na ang end call button.

Pagkatapos ng usapan naming yun umakyat nalang ulit ako para maligo at magbihis nawalan na kasi ako nangganang mag agahan at kung tatanungin nyo ako kung bakit ganon ako ka rude sa sarili kong INA it's just because I hate her so much! to the point na hindi ko na sya kilalaning bilang INA!

Pagkatapos Kong maligo nagbihis na ako. Naka fit jeans ako na tinernuhan ng white T-shirt at nag sandal ng 4 inch. Nang matapos ako sa pag aayos kinuha ko na ang bag ko at tsaka lumabas ng bahay. I need to relax bago mag pasukan bukas.

Steve's POV.

"Look kuya!"

Pagtawag sakin ng kapatid ko sabay turo sa babaeng nakaupo sa playground nitong villa

"Oh?" Nagugulohan kong tanong

Parang ngayon lang kasi sya nakakita ng nakaupo sa reaksyon nyang yon tsk! Parang Ewan lang !

"She looks like crazy tsk." Naiiling nitong sabi

"Sayang maganda pa naman" dagdag pa nito

Natatawang tinignan ko ang kapatid ko. What the fuck did he said!? Maganda? Ow ngayon ko lang ata sya narinig na may sinabihang maganda.

"Seriously? that's new huh?"

Napairap nalang sya sa sinabi ko na ikinatawa ko lalo

"Why are you laughing!?" Singhal nya sakin

"Nothing"

Tinignan ko ulit yong babae napa isip tuloy ako sa sinabi ni drew parang baliw talaga ito kung titignan.

Napa buntong hininga nalang ako sa kaisipang para itong tangang nakatulala sa langit animo'y may hinihintay na kung ano.

"Bilisan na natin kuya Baka abotan tayo ng ulan"

Naalis ang tingin ko sa babae sa pag salita ng kapatid ko. Napatango nalang ako bilang pag sang-ayon

Hahakbang na sana ulit kami nang biglang bumuhos na nga ang malakas na ulan. agad kaming naghanap ng masisilongan at nakahanap naman kami pero ng tignan ko ulit ang babaeng tinitignan naming kanina laking gulat ko na nandoon parin sya.

'Langya! Baliw ba talaga sya? Parang walang balak umalis eh no tsk!' Sa isip-isip ko

"Hey drew! May payong kabang dala?"

Sabi ko sa katabi Kong kasalukuyang nag papagpag ng nabasang damit

"Yeah? Meron ata. Wait tignan ko lang"

Sabay kuha sa bag nyang nasa likuran at nag umpisang maghalungkay

"Got ya!" Sabi nya nang mahanap ito

"Laging handa ah"

Panunuya ko pero di nya ako pinansin at ibinigay nalang sakin yong payong

"Saan mo gagamitin yan?" Paka abot nya nito

"Malamang sa ulan kaya nga payong eh"

Sabi ko bago binuksan at naglakad papuntang playground nakita ko pa ang inis nitong mukha napangiti nalang ako at tuloy tuloy sa babaeng ngayon ay nakaluhod na

Playful Destiny: Her Past And Her PresentRead this story for FREE!