HELLO MELLO! MELODY (BTOB FANFIC KUNO KEKEKE~)

33.5K 428 237
                                    

Dedicated sa kafangirling ko sa BTOB na sina Haya, Micah at Eternity. Nyahahahaha. Labyu girls! Christmas gift ko sainyo. :***

Nainspire kasi ako kay Eternity kaya nakigaya ako! Gumawa rin ako fanfic nyahahaa.

PS. TRIP TRIP KO LANG ITO. IMPOSIBLENG MAGKATOTOO. HINDI SIYA STORY TALGA AS IN GIFT KO LANG SA MGA KASPAZZ KO NA KAPAREHO KO NG FEELS. KUNG DI KA MELODY DI MO KAMI MAIINTINDIHAN! hahaha

BTOB FANFIC!

 

HELLO MELLO! MELODY

 

College kaming apat. Sa katunayan ay pare-pareho pa kami ng tinutuluyang dormitory. At kahit pa mas matanda ako sakanila masasabi ko naman na pareho lang naman kami halos ng hilig. Iyon ay ang kinahihiligan naming kpop group na born to beat.

Nauna si Haya sa mga kpop-kpop na iyan. Lahat na nga finangirl niya pero sa BTOB talaga kami nagkasundo. Butasan pa nga ito ng bulsa dahil mahal pala talaga maging isang fangirl. Sad to say butas na butas na talaga ang bulsa namin nina Eternity at Micah. Hindi ko lang alam kay Haya dahil marami iyang binibiling merch.

“OH MY G-DRAGON! NAKITA NIYO NA BA ANG BAGONG LABAS NA MGA FANCAM? OH MY G-DRAGON TALAGA! PAHINGING LINK DALI-DALI!” Halos mangisay na si Micah sa kakaspazz. Busy pa ako ngayon kaya hindi ko pa pwedeng tanawin ang asawa kong si Sungjae. Wala naman ngayon si Haya dahil may klase pa siya. Si Eternity naman ay nasa banyo pa at pakanta-kanta pa ng Thriller.

Magpapasko pa naman tapos Thriller ang kinakanta. Nananakot yata siya. JOKE~

“ATE ARIL! OMG OMG! ANG HOT HOT HOT NG PENIEL KO! ANG GANDA-GANDA NAMAN NG MGA ASAWA NIYO.” Gusto ko nang umiyak dahil may ginagawa pa ako. Hindi pa ako pwedeng humarap sa laptop dahil paniguradong hindi ko nanaman matatapos ang ginagawa ko.

“ANAK NG MINHYUK AT HAYA! OMG! YUNG ABS NI MINHYUK!”

“Ang mainstream na niyan.” Halos umiyak naman itong kadarating na si Haya dahil sa nagpapakita nanaman ng katawan si Minhyuk. Marami na nga siyang kaagaw, lalo pang dadami dahil sa paghuhubad ng asawa niya sa harapan ng madla.

“emerghed. Si Ilsoon.” Nakalabas na rin pala si Eternity sa banyo kaya pala wala nang kumakanta.

“No No No!” Gusto kong panoorin ang pinapanood nila. Nakakaloka ito! Naririnig ko ang kanta ng a-pink! OMG! GUSTO KONG LUMINGON!

“WAHAHAHAHAHAHA! GAFSIAHFAFHLAKFNDAGFD” Hindi ko na sila maintindihan dahil sa kakaspazz nila. Ang saya-saya nilang pakinggan e!

“Ate Aril tignan mo si Sungsook! BILIS!!!”

Sana lumitaw si Sungjae sa harapan ko. Tapos marunong siyang magtagalog kapag lumitaw siya sa harapan ko.

“HALA!” E? Lumapit ako sa tatlo dahil nagpanic silang lahat.

“Anyare sainyo? Nasaan na si Sungjae ko?” Hinahanap ko siya sa Video na pinapanood nila pero wala naman siya.

HELLO MELLO! MELODY (BTOB FANFIC KUNO KEKEKE~)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon