HULA Maniniwala ka ba?

149K 1.6K 567

A/N: Noong November pa ito Ngayon ko lang na-post dito :) Hindi ko na inedit  'to.

Hula

Maniniwala ka ba?

"Grabe! Anong oras na? hindi pa rin ako makasakay ng dyip, punuan na lahat," reklamo ni Cindy habang kausap sa cellphone si Glory, ang kanyang kaibigan at kasama sa inuupahang dorm.

"Pa'no ba yan? Hindi na kita mahihintay dito. Ikaw lang pala mag-isa dito sa dorm kasi aalis ako, makikitulog muna ako sa classmate ko dahil tatapusin namin ang thesis namin," sabi ni Glory.

"Ahh ok lang sakin, 'wag mo na kong hintayin mukhang matatagalan pa ako dito. I-lock mo na lang yang pinto."

"Oh sige, bye!" huling sabi ni Glory at naputol na ang linya.

Si Cindy ay kasalukuyang naghihintay sa waiting shed na may kadiliman malapit sa kanyang school. Mag-isa lamang siya ditong naghihintay, inabot kasi siya ng gabi dahil ngayon lang natapos ang praktis nila sa sayaw- miyembro siya ng Dance Club sa paaralang pinapasukan niya. Mahirap talagang sumakay sa ganitong oras dahil kakaunti lang ang mga dumadaang dyip na may ruta papunta sa kanyang dorm.

Dahil sa katagalan ng paghihintay niya at kapaguran na rin, nangalay na siyang nakatayo kaya umupo siya sa bench ng waiting shed. Dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa upang tignan ang oras. Nakita niya na mag-aalas otso na pala,bigla siyang napakunot noo nang maalalang kailangan pa pala niyang mag-review dahil may test pa sila bukas ng maaga. Pagbaling ng kanyang ulo sa kalsada, mayroong nakatayong matandang babae sa kanyang gilid at nakatingin sa kanya. Gulo-gulo ang mapuputi at mahahabang buhok at nakayapak lang ito.

"Ineng, pahingi naman ng kaunting barya, pangkain ko lang," wika ng matanda. 

Napasinghap si Cindy at napahawak sa dibdib dahil sa pagkagulat "Ginulat niyo naman ho ako 'La," sabi niya sabay dukot ng barya sa kanyang bulsa at inabot sa matanda.

Nagtataka si Cindy dahil hindi pa rin umaalis ang matanda sa gilid niya samantalang nabigyan na ito ng limos "Bakit ho? Kulang pa ho ba? Wala na ho akong barya."

"Hindi Ineng... Gusto mo bang hulaan kita?" biglang sabi ng matanda.

"Wala na nga ho akong barya 'La." Medyo inis na si Cindy dahil sa pangungulit nito.

"Walang bayad Ineng.....libre lang," ani ng matanda.

"Magaling akong manghula," aniya pa habang nakangiti na tila nang-aakit.

Nagdadalawang isip si Cindy kung papaniwalaan niya ba ang matanda kaya hindi niya muna inabot ang kanyang palad pero napag-isip isip niya na mukhang marunong talaga 'tong manghula dahil hindi naman siya nagpapabayad.

"Akina ang palad mo Ineng, babasahin ko na ang kapalaran mo." sabay abot ng kanyang mga kamay upang hingiin ang palad ni Cindy.

HULA Maniniwala ka ba?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!