Winter Love

5.8K 119 30

A/N: Inspired ito sa isang Kaisoo fanfic na nabasa ko pero naisipan kong Baekyeol ang gamitin. Mehehehe. Ito ang unang beses na gagawa ako ng one shot about sa OTP ng EXO. Hindi ko alam kung magugustuhan niyo o hinde pero kayo na ang bahalang magjudge. Isipin niyo na lang na babae si Baek dito pero nung nagtatype ako hindi ko inisip na babae si Baek. HAHA. Enjoy~

Dedicated to Liorsky~ Hello! *U*

Pakinggan niyo ‘yung kanta sa Multimedia habang nagbabasa kayo ---> 

*** 

Winter Love

{Chanyeol’s POV}

Pinagmasdan ko mula dito sa bintana ng aking kwarto ang snow na unti-unting pumapatak galing sa langit. Ganoon din ang mga batang masayang naglalaro sa labas, mga taong papunta at galing sa kanilang pupuntahan at mga magkasintahang magkadikit na naglalakad dahil sa lamig ng panahon. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha dahil naalala ko na naman siya. Siya na iniwan akong nag-iisa...

Marahas kong sinara ang kurtina at nabalot na naman ng dilim ang aking silid. Umupo ako at kinuha ang isang tuyong dahon at ibinalot ito sa foil. Sinindihan ko ito at sinimulan ko ng humithit. Oo. Ganito na ang buhay ko simula nung iwan niya ako. Hithit at buga lang, maya-maya ay nasa langit na ako at kahit papaano ay malilimutan ko siya ng panandalian. Kapag hindi ko ginawa ang bagay na ‘to, baka lamunin ako ng lungkot at sakit sa kadahilanang wala na siya sa piling ko. Pakiramdam ko kapag wala nito, hindi ako mabubuhay...

Byun Baekhyun, bakit kasi kailangan mo akong iwan?

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin sa harapan ko. Pigura ng isang payat at mukhang walang tulog na lalake. Pigura ng isang lalakeng sirang-sira na ang buhay. Pigura ni Park Chanyeol na nawalan na ng pag-asang magpatuloy at maghanap ng panibagong buhay...

Nagpatuloy ako sa paghithit at pagbuga. Simula nung iwan niya ako ay ito na ang naging kasangga ko bukod pa sa alak at sigarilyo. Sa madilim kong kwarto kung saan tanging ang baga lamang ang nakikita, dito ako nakakubli at ayaw ko ng umalis pa. Para saan pa? Kung ang kaisa-isang taong dahilan kung bakit ako nabubuhay ay nawala pa.

“Yeol?” napatigil ako sa paghithit ng marinig ko ang boses niyang hinding-hindi ko malilimutan. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa marijuana at nagpaunahan na namang tumulo ang aking luha habang tumatawa ng mapait. Nababaliw na yata ako...hindi...malakas na ang tama ng marijuana sa akin kaya naririnig ko na ang boses niya. Madalas mangyari ‘to lalo na’t napapadami na ako…

Hindi ko na lamang pinansin ang narinig ko at nagpatuloy na lamang sa aking ginagawa kahit na parang binibiak ang puso ko sa sakit. Pilit ko mang pigilan ang luhang pumapatak galling sa aking mata ay hindi ko kaya...

“Yoda” dahil doon nabitawan ko ng tuluyan ang aking hawak at napaupo na lamang sa sahig at napahagulhol. Naisabunot ko ang aking kamay sa aking buhok habang patuloy sa pagtulo ang aking luha. ‘Yun ang itinatawag niya sa akin kapag inaasar niya ako o kaya naman kapag galit siya sa akin kasi inaasar ko siya...

“Tama na...p-please...a-ayoko na...a-ang sakit na...” paulit-ulit ko ‘yung sinasabi na halos mawalan na ako ng boses kakasigaw. Sobrang sakit...hindi ko na kaya...

Winter LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!