Miss, Pengeng Piso!

25.1K 1.5K 379

                                                   Copyright © 2013 by shinkumi

                                                      ALL RIGHTS RESERVED

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without the author’s consent, except where permitted by law.

***

A/N: Bored lang po kaya ko nagawa 'to. Sana magustuhan niyo. Merry Christmas~ <3

***

ONE-SHOT

Miss, Pengeng Piso!

"May I call the attention of all the students. I have an important announcement"

Katatapos lang ng flag ceremony at lalakad na sana kami paalis ng umakyat sa flatform ang aming principal. Siguro iaannounce niya yung tungkol sa school festival kaya wala na kaming nagawa kundi ang bumalik sa aming pila...

"Excited na ako sa School Festival Ara! Waaaaaaaaaaaaah! Por syur may mga gwapong taga-ibang school ang dadayo dito! Kyaaaaah!" napailing na lang ako sa bestfriend kong si Mishy. Taglandi na naman ang babaeng 'to. Haaay.

Nang matapos ang announcement ng aming principal ay nagpunta na kami sa kanya-kanya naming room pero bago ako dumiretso doon ay dumaan muna ako sa aking locker. Iniwan ko kasi dito  'yung libro ko na gagamitin para sa first period. Pagkasara ko ng aking locker ay napatigil naman ako ng makita ang isang lalakeng tumatakbo sa may hallway at....papalapit sa akin?"

"Miss, pengeng piso" nagulat naman ako sa sinabi niya. Aanhin naman kaya niya ang piso? Pero dumukot ako sa aking bulsa at buti na lang ay may barya ako. Inilagay ko 'yun sa palad niya at nagtataka pa ring tiningnan siya. Ngumiti naman siya sa akin at ikinulong sa kamao niya 'yung piso... "Umm...salamat ah"

"W-Walang anuman"

Pinanood ko lang siyang tumakbo paalis. Nakakunot pa din ang noo ko habang tinitingnan siya. Siya si Kristoff Elizalde, siya ang Top 1 sa Class A at kahit hindi naman ako updated sa mga bagay-bagay sa campus, balita ko ay madaming nagkakagusto sa kanya. Perfect guy na nga ang bansag sa kanya eh. Nagkibit-balikat na lamang ako. Ang weird niya. Siguro puro papel ang pera niya kaya wala siyang barya. Mayaman kasi eh. 

Lumakad na ako papunta sa room dahil kaunting minuto na lang ay malelate na ako...

***

"Miss, may piso ka?" napaangat ang tingin ko mula sa librong binabasa ko at tumingin sa kanya. Nandito kasi ako sa may library at gumagawa ng project tutal vaccant pa naman namin. Napakunot naman ang noo ko ng siya na naman ang nanghihingi ng piso. Gusto ko siyang tanungin kaso nahihiya ako kaya kumuha na lang ako ng piso sa aking coin purse at iniabot sa kanya. Matagal niyang tinitigan 'yung piso sa palad niya. Hala, ang weird niya talaga.

"U-Umm...may kailangan ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Hindi ako sanay makisalamuha o nakikipag-usap sa mga taong hindi ko pa gaanong kilala kaya nahihirapan akong magtanong at makipag-usap sa kanya...

"Wala na. Salamat ah" ngumiti siyang muli at lumakad na paalis. Bakit kaya siya nanghihingi ng piso? Ako lang ba ang hinihingian niya ng piso o may iba pa? Napailing na lamang ako at nagfocus na lamang sa ginagawa ko. Kailangan kong matapos ang project ko kasi mamaya na ang submission. Nawala kasi sa isip ko na ngayon na pala ang pasahan. Pero hindi ko talaga maalis sa isip ko ang lalakeng 'yun. Haaay. Ara, focus!

"Nandito ka lang palang babae ka! Kanina pa kita hinahanap! Jusko! Ka-haggard!" umupo si Mishy sa harapan ko habang pinupunasan ang pawis niya sa noo at hingal na hingal...

"Bakit parang hinabol ka ng isang batalyong bakla ha?" isinara ko ang aking libro at niligpit ang aking gamit. Mabuti na lang at tapos na ako nung dumating siya kasi kapag chumika na itong si Mishy mahihirapan na akong tapusin ang ginagawa ko at makikinig na lamang ako sa kwento niya...

"Pinapahanap sakin ni Mrs. Sandoval si Kristoff Elizalde kasi siya 'yung representative ng Class A para sa Quiz Bee. Ang hirap hanapin ni Fafa Kristoff! Nako. Kapag talaga mga gwapo ang tagal magsilabas!" napatawa na lang ako sa kanya pero teka...

"Nakita ko si Kristoff dito kanina. Humingi pa nga siya ng piso sa sakin eh" dumukot ako ng lollipop sa aking bulsa at binuksan ito. Naisip ko na naman 'yung paghingi niya ng piso. Baka alam niyang madami akong barya kaya sakin siya humihingi? Hindi kasi ako nauubusan ng barya kasi nagtatago  akong pambili man lang ng candy. Pero hindi naman kami magkakilala eh, in fact, nung una siyang manghingi ng piso ay ang una din naming pag-uusap...

"EH?! Humingi ng piso? Bakit daw?" may pagka-OA na sabi ni Mishy...

"Ewan ko. Hindi ko naman itinanong eh"

"Hmm...baka wala lang barya. Alam mo naman 'yun sa sobrang yaman baka puro cards at perang papel ang nasa wallet niya" tumango na lamang ako sa kanya kasi 'yun din ang naisip ko kanina...

Pero mukhang mali yata ang nasa isip ko. Nasundan pa ng MGA araw na humihingi siya ng piso sa akin. Kapag naman nabigyan ko na siya ay ngingiti lang at aalis na kaagad siya...

"Miss, pengeng piso" agad akong napatingin sa kanya na nakangiti sa akin. Ni hindi na ako nagulat na andito na naman siya at humihingi ng piso. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, palagi na lang siyang humihingi ng piso sa akin. Ibinuka ko ang aking bibig para tanungin siya pero hindi ko na lang itinuloy. Naghuhurimentado na kasi ang puso ko. Nakakatawa pero sa kakahingi niya ng piso, nagustuhan ko siya. Sa tuwing ngingiti siya sa akin bumibilis ang tibok ang puso ko...

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit palagi siyang humihingi ng piso sa akin. Haaay. Dumukot ako sa aking bulsa para kumuha ng piso pero wala akong nakapa na barya. Binuksan ko ang aking wallet kung may barya pa ako pero wala talaga. Naubos na yata kanina kasi namasahe pa ako at bumili ng candy...

"A-Ah-eh...a-ano..." Naman Ara! Bakit ka ba nauutal? Aish! Kinakabahan ako eh, ni hindi siya matingnan sa mata kasi nga pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko... "W-Wala na akong barya. Pasensya ka na" tumungo ako at pinaglaruan na lamang ang mga daliri ko...

"Hay sa wakas, naubusan ka din ng barya" napatunghay ako at nagtatakang tumingin sa kanya. Ipinamulsa niya ang dalawa niyang kamay at ngumiti ng sobrang lapad. Pakiramdam ko tuloy lalabas na 'yung puso ko sa dibdib ko...

"H-Huh? Anong ibig mong sabihin?" bakit parang tuwang-tuwa pa siya na wala na akong maibigay na piso sa kanya?

Lumapit siya sakin at ipinatong ang kanyang kamay sa aking ulo...

"Ngayong wala na akong mahinging piso sayo, pwede bang ikaw na lang ang hingiin ko?" pakiramdam ko nag-akyatan lahat ng dugo ko sa aking mukha. Naririnig ko din ang malakas na pintig ng puso ko. Hindi maproseso ng aking utak ang sinabi niya. Tama ba 'yung narinig ko?

"Kapag ba sinabi ko sayong, 'Miss, pwedeng akin ka na lang?', magiging akin ka ba?"

"A-Anong...h-hindi ko maintindihan----"

Mas lumapit pa siya sa akin at para bang napako na ako sa kinatatayuan ko kasi hindi ako makagalaw. Parang may gripo na sa aking palad dahil sa sobrang pawis dahil sa kaba...

"Akala ko hindi ka na mauubusan ng piso eh. At dahil nga ubos na ang piso mo. Ikaw na lang ang hihingiin ko" ngumiti siyang muli at hinawakan ang kamay ko... "Oh pano? Akin ka na ba?"

END

Miss, Pengeng Piso!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!