-28-

47.6K 1.8K 345


"TWIN, samahan mo na kasi ako sa Ai's..." nakahiga sa kama ko si Aly habang pinipilit ako na samahan siya sa Ai's. Nakapag-enroll na kami at sa Lunes na rin ang balik ng klase at wala akong kaplano-planong umalis ng bahay dahil mas gusto kong manahimik ang buhay ko at magpahinga na lang.

"Malaki ka na, kaya mo naman na 'yun," sagot ko sa kanya habang nanunuod. Nasa may couch ako dahil sinakop ni Aly ang kama ko kakausog kanina sa akin para pumayag ako. Mula nang matapos kaming mag-almusal kanina ay sinundan na niya ako nang sinundan.

"Come on, sumama ka na kasi. Maaga naman matatapos shoot ko. Bibili tayo ng ice cream pagkatapos. Game ka na?" umupo ito at niyakap ang isang unan ko.

Napabuga ako ng hangin bago umiling. "Tinatamad akong umalis..." sagot ko sa kanya. Hindi ko man lang maenjoy si Harley Quinn dahil sa kadaldalan ni Alyanna.

"Twin, ililigtas ni Joker si Harley Quinn sa dulo niyan kaya samahan mo na ako..." binato sa akin ni Aly ang unan na yakap nito. Sapo ang ulo ko na nilingon ko ang kakambal ko.

"Tinatamad nga ako," nakasimangot na sabi ko. "At masakit, ah?" inirapan ko ito bago kinuha ang unan na nalaglag sa sahig at inilagay sa may paanan ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo akong samahan? Dati okay lang naman sa'yo lagi. Wala naman kayong lakad ni Ian ngayon, diba?" tanong ni Aly sa akin.

Wala naman kaming usapan ni Ian na magkikita ngayon. Alam din naman ni Mommy at Daddy na nagpupunta si Ian sa bahay namin, pero hanggang living room lang allowed si Ian, iyon ang rule ni Daddy. Hindi niya pwedeng ihakbang alinman sa mga paa niya sa hagdan ng bahay namin.

"Tinatamad nga ako. Ilang beses ko bang sasabihin 'yan sa'yo? Ayokong lumabas. Gets mo naman 'yun, diba?" tanong ko sa kanya. Itinuon ko na lamang muli ang paningin ko sa pinanunuod ko. Kahit alukin ako ni Aly ng kahit na ano, wala akong balak sumama sa kanya papunta sa Ai's. Kung sa ibang lugar, baka pa. Pero sa Ai's? Ayoko.

What happened before was enough.

He's obviously avoiding me.

At kahit na ako naman ang nagtaboy, hindi ko mapigilang masaktan. Kahit pa ilang beses kong sabihin na wala akong karapatang masaktan dahil ako ang nanakit sa kanya, hindi ko pa rin magawang hindi masaktan.

Nasasaktan ako na parang balewala na ako kay Jahann.

Pero ano bang magagawa ko? Just accept it.

I don't even know if he ate those cupcakes. Hindi ko alam kung pinansin man lang ba niya o ano. Hindi ako nagtanong kay Aly. Iniwasan ko na lang din magtanong sa kanya. Sabi nga niya, he's full. Iris' cupcakes made him full.

"Twin, hindi ka ba talaga naaawa sa akin? Hindi ka ba naaawa sa maganda mong kakambal na nagpapasama sa'yo papunta sa Ai's?" lumapit si Aly at naupo sa may gilid ko kaya naman napasiksik pa ako sa may couch.

"Hindi," sagot ko sa kanya. Sinimangutan naman ako ni Aly. "Pumunta ka na nga sa Ai's. Kaya mo na 'yon. Malaki ka na nga," sagot ko bago ko siya tinulak. Napaupo naman si Aly sa sahig at tinitigan ako. "Para kang si Jahann. Inaaya kong umuwi para magdinner kasama natin pero tumatanggi rin. Ayaw niya rin. Ikaw naman, ayaw mong sumama sa akin sa Ai's. Iniiwasan niyo ba akong dalawa?" tanong niya sa akin.

Nilingon ko si Aly. Inaaya niya si Jahann pero tumatanggi? That's another point. Mas lalong ayokong sumama papunta sa Ai's.

"Iniiwasan niyo ba ako?" tanong ulit ni Aly nang hindi ako sumagot.

"We don't. Tinatamad lang talaga akong umalis, Twin..." ngumiti ako sa kanya bago umayos ng higa. "Bawi na lang ako sa'yo kapag masipag na ako..." dagdag ko pa.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!