Dear Past, Salamat sa Tinuran

2.3K 123 39


I can't say that my pain is worse than yours, or worse than anybody for that matter. I can't also say that my heartache is more painful than anyone, especially yours. Sa totoo lang, sobrang saya mo nga eh. Sobrang saya to the point na, unconsciously,

...nasasaktan mo na ako.

Yung halos kasing-liit nalang ng tuldok na pag-asang pinanghahawakan ko, unti-unti nang nawawala. Hindi kita sinisisi, in fact, gusto pa kitang pasalamatan.

Salamat. I am a hard person to love. Hindi dahil pusong bato ako kundi dahil maraming dapat i-consider bago magkaroon ng salitang 'tayo.' Matagal-tagal na ring nabakante ang puso ko kasi sabi ko, nakalaan na ito sa taong for keeps --- yung makakasama ko nang matagal, mapapangasawa ko and in time, makakasama kong bumuo ng sariling pamilya. Gusto ko pa rin ang tradisyonal na pamamaraan ng panliligaw at ang pinaka-importante sa lahat ay ang tanggap ng buong angkan.

Salamat. I am a hard person to love pero kapag nagmahal ako, mamahalin ko siya ng buong-buo.

Isa lang naman ang gusto kong malaman,

"Naramdaman mo ba yun?"

Kung oo... masakit.
Masakit kasi naramdaman mo na pala pero pinagmukha mo pa rin akong tanga. Akala ko kasi hopeless ang case ko, pero siguro nga dapat ko nang tanggapin na isa kang paasang tao.

Kung hindi naman ang sagot mo,

Salamat. Dahil sayo, naging biktima ako ng one-sided love. Mas okay na rin siguro yun na ako lang ang nakakaalam, na ako lang ang nakakaramdam para in the end, less complicated.

Salamat. Thank you for the friendship. At kahit gustuhin ko man na lumagpas tayo sa linyang yun, hindi na pwede kasi I have made a choice. Ang saklap nga kasi gagawa nalang ako ng desisyon, mayroon pa palang options: to unlove or to forget.

To unlove mukhang mahihirapan ako. Ang dali mo kasing mahalin eh. Complete package ka na, you're almost perfect at doon ko na-realize na hindi pala ako worth it para sayo.

To forget? Mas lalong mahirap dahil hello?! Paano mo makakalimutan ang mahigit isang taong pinagsamahan niyo? Kung lahat siguro ng tao may malisya malamang iisipin nila na magdyowa tayo.

So I made a choice.
Not to unlove, not to forget.
I made a choice to let you go.

Salamat. Kasi pinadali mo sa akin ang lahat. Ngayong malinaw na sa akin na imposible ngang maging tayo, tatanggapin ko na ang pagkatalo.

Salamat sa mga hindi malilimutang pinagsamahan natin.

Salamat sa isang taon.

Salamat sa lahat-lahat.

Ngayong didistansya na ako sayo, gusto ko lang malaman mo na hinding-hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Kung naramdaman mo man yun o hindi, ang mahalaga, tanggap ko na.

Sa umpisa pa lang, I know that all I could offer for you was my heart.

And I'm so sorry if it wasn't enough.

Alam kong masaya ka na sa piling ng taong mahal mo. Sorry ha? Kasi hindi ko kayang sabihin na, "I'm happy for you."

Pasensya na kung bitter pa ako ngayon. Kahit isang taon na, sariwa pa rin sakin ang lahat. Lecheng puso kasi ang meron ako. Nangingialam ng feelings ng iba. Ba't hindi nalang niya atupagin ang pag-pump ng dugo? Yun naman talaga ang purpose niya diba?

A year from now, alam kong maghihilom din ang lahat. Kapag mapapakinggan ko ang kantang, Sayo Pa Rin, hindi na ang saloobin ng kanta ang iintindihin ko.

A year from now, makakaahon din ako at sasabihin na,

"Once upon a time, there's this person whom I used to love. A person who will never be mine. But despite of the hopeless case, she still live happily ever after."

A year from now, tatawanan ko nalang ang lahat ng 'to. Hindi sa paraang nang-iinsulto, tatawanan ko dahil wala nang sakit, hindi na mahapdi, hindi na makirot. Tatawanan ko bilang paraan ng pagsasabing, "I already moved on."

A year from now, kung magkita man tayo, ngingitian kita at sasabihing,

"Long time, kumusta ka na?"

Kahit ano man ang sagot mo, alam kong wala na akong sakit na mararamdaman.

Babalik tayo sa dati, like how we first met pero this time, tanggap ko na, at masaya na ako sa salitang kaibigan.

A year from now, kung magkaroon ulit tayo ng closure, alam kong hanggang friendship nalang.

A year from now, I am free with all the pain. Twelve months is enough learnings and for me to realize that I have invested twelve months of my life for a wrong person. Siguro sapat na yun para masabi kong nagpakatanga ako sa pag-ibig.

A year from now, magiging history nalang ang lahat.

A year from now, darating din ang tamang tao para sa akin.

But for now, I have to say goodbye.

Huwag kang mag-alala, mahal pa rin kita ngayon, hanggang bukas, sa makalawa, mahal pa rin kita hanggang sa susunod na Linggo at hindi ko alam kung kailan matatapos 'to.

Pero sa ngayon, iiwas muna ako sayo. Sorry kung hindi na ako magrereply sa mga text messages mo. Ide-delete ko na rin para hindi ko na paulit-ulit pang basahin. Pasensya na kung maging malamig ang pakikitungo ko sayo.

Sana hayaan mong this time, iligtas ko ang sarili ko. Hindi ko na kaya na paulit-ulit nalang na ganito. Ang sakit sakit na at kailangan ko nang itigil 'to.

Ayokong dumating ang araw na hindi na ako makabangon.

Ayokong dumating ang araw na pagsisisihan ko na ipinagpatuloy ko pa rin ito.

Ayokong dumating ang araw na patuloy pa rin kitang mahal dahil nakasanayan ko na.

At higit sa lahat, ayokong dumating ang araw na finally sabihin mong,

"Hanggang kaibigan lang talaga."





Dear Past,

Salamat sa tinuran mo. Kahit hindi naman naging tayo, napasaya mo pa rin ako.

Kahit na walang salitang ''Mahal Kita" mula sa ating dalawa, ang mahalaga ay naging parte tayo ng buhay ng isa't isa.

I think it's time to let go now.

Paalam sayo.

Sana nga sa susunod na magkita tayo, mayroon nang ibang tao na mapagsasabihan ko nang, mahal ko.

=')

Something Sweet and SugaryRead this story for FREE!