Chapter Twenty-two

91.4K 2.7K 150
                                    

Blue


"Basta manyak ka!" Sigaw niya sa'kin.

"So 'pag sa'kin, manyak ang tawag mo? Eh 'pag sa iba, okay lang na bastusin ka nila. Ganon? 'Di rin kita maintindihan, eh." I calmly said. Ayokong ito ang maging ka-una unahang away namin ngayon.

"Oo! Bakit?" nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya.

'Pag ako, hindi ko naman siya hinipo or something, pervert at maniac na.
Kapag 'yung walang matang maputing lalaki... Ayos lang?

"Ikaw. Hindi kita maintindihan.." bigla naman siyang ngumisi.

"So?!" pambibitin niya.

"Ano? Wala kang masabi, 'no?" lalong lumaki ang ngisi niya.

"So ako pa ngayon ang may kasalanan? Eh sino ba 'tong lumalandi sa 'official girlfriend' daw niya?" then she rolled her eyes. Nawala ang ngisi niya.

"Take note, nakakandong pa, ha? Nakakandong pa." mapait na sabi niya.

Wait... Nagseselos ba siya? Biglang lumaki ang ang mga ngiti sa labi ko.

Tama nga ako.

"Kaya pala, ha? Sinadya mong magtanggal ng cover up sa harapan ko mismo... Para sa'kin talaga 'yung swimsuit mo at hindi kay chinoy, 'diba?" Panunuyo ko sakaniya.

"Hindi." bumusangot ako.

"Asus, sinungaling!" kiniliti ko siya.

"Nakikita mo ba 'yung suot ko? Chansing ka eh!" maktol niya.

Oo nga pala. Tatalikod na sana ako nang nagsalita ulit siya.

"At kung sa palagay mong okay tayo, hindi, Blue. Hindi." dumiretso siya sa kama, maya maya may kinuha siyang damit at pumasok ulit sa cr.

Bakit kaya ang hirap intindihin ng mga babae?

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang kasama niya kanina. Nabigla siya nang makita niya ako and without hesitation, she slapped me hard.

-----------a week later------------

Clare

Isang linggo na rin mula noong batch reunion namin.

Wala namang kakaibang nangyari. Pinag-halong saya, lungkot at marami pang ibang mga emosiyon ang na-feel ko sa loob ng isang linggo.

Pero nangibabaw pa rin ang sakit. Mula noong huling usapan namin noong nasa hotel kami, paglabas ko ng cr ay wala na siya at ang tanging nandoon nalang ay si Kina na nakatingin sa cellphone niya.

Ayaw niya namang sabihin kung saan pumunta si Blue. Ang sabi niya ay nag-paalam daw siya na may pupuntahan lang siya, pero hanggang ngayon?

Wala parin na kahit ano galing sakaniya.

Namimiss ko na siya...

89 unread messages --- 'Yan ang bungad sa akin ng cellphone ko nang buksan ko ito. Alam ko kung kanino galing ito. Malamang, kay Jaeo.

Binuksan ko ang isa at nabigla ako sa message na nabasa ko.

Tumigil ang ikot ng mundo ko.

Ang puso ko ay sandaling hindi ko maramdaman. Nahihirapan ako sa paghinga at naramdaman ko nalang ang mga luhang pumatak sa aking mga pisngi.

Kaya pala...

Kaya pala hindi siya nagpaparamdam. Kaya pala walang kahit ano mula sa kaniya. Kaya pala iniwan niya ako.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon