Chapter Two

113 4 0
                                                  

Handsome.

Yan ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko ang mukha nung lalake.

Ang ganda ng mga mata niya, parang inaantok na ewan pero halatang cheerful siya and at the same time eh seductive. Matangos ang ilong niya. Hindi ganun kanipis ang mga labi niya pero mapula. Hindi siya ganun kaputi pero tama lang, maputi na din compared sa iba.

WHAT THE HELL?!

Ano ba tong nasasabi ko? Di ko gets sarili ko, bakit parang na-attract ako sa kanya.

Ah, baka na-starstruck lang ako sa kanya. Hindi ko kasi masyadong napansin ang mukha niya kanina. Hindi ko inakalang gwapo pala siya kaya na-shocked ako.

Hindi naman ako na-shock dahil nagugwapuhan ako sa kanya, sadyang hindi lang usual sa ngayon na makakita ka ng mukhang above average at talagang good-looking.

Pero teka.. Parang pamilyar siya sakin. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko naman matandaan kung saan.. O baka akala ko lang naman to?

Baka nga lang siguro..

Nakatitig lang siya sakin kaya tiningnan ko lang siya.

Pero may kakaiba sa tingin sa mga mata niya.. Parang may lungkot na nakatago sa likod ng mga cheerful yet serious eyes niya. Bakit kaya?

Emotero siguro.

Lumakad ako palapit sa kanya at tumigil ako ilang hakbang mula sa kanya.

Siya naman, tumayo. Hindi ko din expected na may katangkaran siya. Hanggang tenga o bibig niya lang yata ako.

Lumunok muna ako bago magsalita. "Ikaw ba yung nag-text sakin? Ako yung may-ari ng folder na hawak mo.."

Tiningnan muna niya ang hawak niyang folder tapos ngumiti siya sakin. Whoa! Edi siya na ang may magandang ngiti!

"Oo nga," sabi niya. Manly na manly ang boses niya. "Kamukha mo nga tong nasa picture. Maganda."

Pfft. Sabi na eh. Ganitong tipo nga siya. Tumaas ang kilay dahil dun.

Hindi ko alam kung bakit iwas ako sa mga lalake at galit ako sa kanila. Lalo na sa mga bolerong gaya niya.

Hindi man ako napaka-feminine pero alam kong hindi ako tomboy. Man hater lang talaga ako.

Dahil alam ko, a boy is equal to a life-threatening danger. Napatunayan ko yun sa nangyari noon kay EN.

Ayokong mangyari din sakin yun. Isa pa, igaganti ko ang kambal ko kaya hindi ako dapat maloko lang din.

Kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimulang iganti siya mula sa lecheng lalakeng yun na nanloko sa kanya..

"O, bakit tumataas ang kilay mo?"

Natauhan ako mula sa pag-iisip dahil nagsalita na siya.

"Totoo naman ang sinasabi ko dito."

Napabuga ako ng hangin. Yabang nito. "Okay," hinablot ko na ang folder sa kamay niya at tumalikod na. Wala akong mapapala sa taong to.

Palakad na sana ako paalis pero narinig kong may binulong siya kaya napatigil ako.

"Ang taray.."

Hinarap ko siya. "Sinong mataray?!"

Itinaas niya ang dalawang kamay niya. "Ay wala po! Wala po!"

Inismidan ko siya tapos tumalikod na ulit. Papansin siya, KSP.

Bago pa ako makalayo ulit, bumulong na naman siya. Ay bwiset, ayaw tumigil. =_=*

"Maganda sana, napakataray naman.."

The Past, The Love, The MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon