Trigger 21 - The decision

9.3K 138 4
                                    

[Edited Ver.]


The decision



Selene's PoV :

Gustong-gusto ko nang dumalaw kay Ambia, kaso sabi ni mommy pumasok na raw muna ako at nakibalita na naman raw siya sa mommy ni Ambs at sinabi nitong OK na daw si Liit kaya hindi ko na kailangan mag-alala. Pero siyempre bffs kami noon e, magkasanggang-dikit kami noon kaya hindi ko maiwasang mag-worry.

Kung ako hindi na mapakali habang nag-d-discuss ng pagkahaba-haba ang prof namin, si Belle naman walang imik at in fairness sa kanya, kalmado lang siya. Pero kahit kalmado siya may na-s-sense pa rin akong tensyon sa palibot niya. Para bang nagkakaroon ng war sa loob ng utak niya. Brain-war? Haha funneh, meh.

I thank all the Gods and Goddesses in heaven when I heard the bell rang around the campus, it means dismissal time. Agad akong tumayo at isinukbit ang shoulder bag ko sa braso at hinintay si Belle para sabay na kaming lumabas.

We were both walking side by side but we don't speak any word. Nararamdaman ko talagang may psychological war sa loob ng utak ni Belle e. 

Noong hindi ako nakatiis, kinulbit ko siya. Agad naman siyang humarap sa akin.

Selene: "Ayos ka lang ba, Belle? Ang tahimik mo kanina pa e."

Umiling lang ito at naglakad lagpas sa akin ng hindi man lang sumasagot. 

Selene: "OK sabi ko nga tatahimik na ako. Hindi na ako magtatanong. Arrgg! I'm all alone now."

Pagkatapos kong mag-monologue ay naglakad na ako. Hinahanap ko pa nga si Belle pero parang nawala na agad ito. Tumakbo? Nah. She wouldn't tire herself out like that. Astig ang bffs ko kaya nag-lalakad lang iyon kapag nag-w-walk out.

Mabilis akong naglakad palabas ng SU para pumunta na agad sa ospital kung nasaan si Ambs.


End of PoV

Belle's PoV :

I hurriedly hid myself inside an abandoned house. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa pagtakbo kanina kakahabol sa tatlong mga naka-maskarang lalaki. Nakita ko sila noong saktong mag-angat ako ng tingin noong kinalabit ako ni Selene kanina. I tried to be as calm as possible and also pretended that I didn't notice them and I walked passed Selene in a slow pace, my usual walk. Noong nakalabas ako sa SU at tsaka ako naglabas ng baril na nakatago lang sa ilalim ng medyo mahabang palda ko, may naka-strap sa hita ko na lalagyan. 

Nakipagpalitan ako ng putukan ng baril sa tatlong lalaking mukhang mga sniper at may kinalaman sa mga lalaking nang-ambush sa akin kahapon. Kung kanina naguguluhan pa ako sa magiging sagot ko sa pinag-usapan namin ni Boss kahapon, ngayon, nabuo na ang desisyon ko.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at saktong nakita ko silang tatlo at ganoon rin sila sa akin. I moved in a really fast motion and without blinking, I aim to their knees para hindi na sila makatakbo. Nagpaputok iyong pangatlo kong binaril kaya nadaplisan ako sa braso. 

Pero hindi ko na inalintana ang kirot at nilapitan ko ang tatlong namimilipit sa sakit.

???1: Shit! ARAYYYY!!"

???2: "Arrggh!"

???3: "Shit.."

Umupo ako para pumantay sa kanila and I look at them without any mercy or remorse about their situation.

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon