Kabanata 45

145K 2.5K 295
  • Dedicated kay CharmPrincess21

Dedicated kay @CharmPrincess21 thank you sa pagbabasa at sa comment! :) <3

Kabanata 45

Ayaw tumigil ng luha ko ngayong hinahatid na ako nila Papa papunta sa altar kung saan naghihintay saakin ang Prince Charming ko, naka-three piece suit siya ngayon at masasabi kong mas lalo siyang gumuwapo. Dalawang buwan na ang lumipas pero sariwa pa rin sa isipan ko ang pagpopropose niya saakin. Ako na yata ang pinakamasayang babae ngayon, ito na nga ang tinatawag nilang tears of joy.

Naaalala ko pa nung unang beses niya akong dinala sa simbahan na ito, dito niya ipinangako saakin na balang araw tatayo siya sa harapan ng altar na yan para hintayin ako dahil ikakasal kaming dalawa, tinupad niya ang pangakong iyon. Nagmumura saakin ngayon ang dimples niya pero kasabay non ang pagtulo ng luha niya, naisip ko tuloy nararamdaman din kaya niya ang sayang nararamdaman ko ngayon? Sabi saakin ni Mateo nung isang araw, kapag umiiyak daw ang mapapakasalan mo sa mismong araw ng kasal mo habang nakangiti at titig na titig sayo, ibig sabihin daw non mahal na mahal ka niya. Akalain mong posible palang mangyari saakin ngayon yon, posible palang mahalin ako ng sobra sobra ng isang Drake Cortezano. Lord, sobra sobra na po ang ibinibigay niyo saakin salamat po.

~~All I am, all I'll be
Everything in this world
All that I'll ever need
Is in your eyes
Shining at me~~

Sinong mag aakala na ikakasal pala ako sa isang lalaking dinaig pa ang Prince Charming, ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag alam mong sayo siya, kapag alam mong hindi mo naman siya inagaw sa iba. Bumalik sa alaala ko ang pag uusap namin kagabi bago kami matulog.

"Bukas, sigurado akong ikaw lang ang pinakamagandang babae sa mga mata ko." Bulong niya sa tainga ko habang nakayakap ako sakanya, tapos na kasi ang preparation ng kasal namin, at bukas na yon  sa mismong birthday niya.

"At nag iisa ka lang gwapo sa paningin ko." Pagbawi ko sakanya saka mas hinigpitan ko ang pagyakap sakanya. 

"Walang iyakan bukas ha! Baka mamaya sa sobrang saya mo umiyak ka!" Pang aasar niya saakin, hinampas ko ang dibdib niya pero humalakhak lang siya.

"Mahal na mahal kita." Bulong niya at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

~~When you smile I can feel
All my passion unfolding
Your hand brushes mine
And a thousand sensations
Seduce me 'cause I~~

Wala daw iyakan, pero pareho lang pala kaming maiiyak sa saya. 

"I love you.." He mouthed, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang saya. "I love you too.." Bulong ko na mas lalong nagpamura sa dimples niya. 

~~I do cherish you
For the rest of my life
You don't have to think twice
I will love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long to say this to you
If you're asking do I love you this much
I do~~

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!