Chapter 15: Absent and Boredom

781 28 2

This part is dedicated  to moshimoshimnida..
Kasi po parang magkaparehas daw sila ng ugali ni Taezel...at height din.. hahaha...

{ TAEZEL'S P.O.V. }

Maaga akong nagising. Ewan ko kung bakit napaaga ang gising ko basta yun na yun.

Bumaba ako sa hagdan dala-dala ang tuwalya ko.

"Oh anak? Napaaga ka ata?"

"Ewan ko po eh. Siguro hindi lang talaga ko inaantok?"

"Psh..oh siya! Dalian mong maligo at susunod pa si Yuril. Ang tagal mo pa namang maligo."

Tumango nalang ako at naglakad nang muli patungo sa banyo namin.

Sinabit ko na ang tuwalya ko at agad na binuksan ang shower.

O.O!!!!!!!!!

"UWAAHH!!!!! ANG GINAW!!!" sigaw ko tutal soundproof naman tong banyo eh. Hoo!! Nagising ata diwa ko.

Wrong move!! Sana si Ate nalang ang pina-una kong maligo....bbrr.. At dahil nagsimula na nga akong magsabon sa katawan, naligo nalang talaga ako kahit maginaw.

After that ay lumabas na ako at dali-daling umakyat patungo sa kwarto namin. But before ako pumasok sa kwarto ay nadatnan ko si Ate na kakalabas niya lang sa kwarto namin.

"Sabi ko na nga ba. Himala at napaaga ka ata ah?"

"IKR right!"

"Diba dapat IKR lang? Kasi I know right nayun?  Eh bakit dinagdagan mo pa ng right? PPfftt...hahaha..."

"Harhar!" at pumasok agad ako sa kwarto namin. Bahala siya dong tumawa dun basta ako? Magbibihis na ako!

Nang matapos na akong magbihis ay nagmimessenger agad ako. Pero hindi pa naman active ang iba kaya nagfacebook nalang ako.

* scroll * * scroll * * scroll *

Hm?

AizaNy Hwang feeling sad.

Huhuhu...I hate this feeling! A-absent muna ako!

HUH? Nacurious ata ako at dali-daling nagcomment.

TaeZel: Oy bruha? At bakit ka naman aabsent ngayon?!

Naghintay akong magcomment back siya pero wala eh.

"Taezel! Kain na tayo!"

"Okay...."

Habang pababa nang hagdan ay may naisip ako bigla. Tsh! Manonood naman pala kami sa laban nina Kuya Lou ngayon, tapos grounded pa kami. Paano na kami tatakas niyan ngayon?

I Fell In Love To A Gangster [COMPLETED]Where stories live. Discover now