Chapter 1

8.2K 116 1
                                    

Malalim na ang gabi nang may nararamdaman akong humahaplos sa aking kaliwang pisngi.

Dumilat ako at nakita ko na si lala lang pala ang humahaplos saaking mga pisngi.

"La bakit po?" pagtatanong ko kay lala.

"Apo gising na aalis tayo." Sabi sa akin ni lala na para bang may takot at lungkot sa kanyang mga mata.

"Po La? Saan po tayo pupunta?" pagtatanong ko sa kanya.

"May nangyari ba? Mayroon bang problema?" Muli kong pagtatanong kay Lala ngunit hindi niya sinagot ang aking mga tanong.

"Basta making ka na lang akin apo, mag empake ka na dalhin mo lang ang mga importante mong mga gamit." Tumango na lamang ako kahit na naguguluhan pa din ako.

Maayos naman ang pamumuhay namin at wala naman kaming nagging mga kaaway sa halip pa nga ay halos kalahati sa aming barangay ay kasundo at kaibigan naming ni Lala.

"Opo La."Hindi na ako nagtanong pa dahil baka magalit at mairita pa sa akin si Lala. Pumunta ako sa kwarto ni lala upang tignan kung ayos lang ba siya ngunit wala si Lala sa kwarto. Dahil habang ako ay nag aayos ng aking dadalhin may narinig akong nabasag sa sala.

Bumaba ako sa may sala hangang sa nakita ko si lala na may kausap at pinalilibutan ng tatlong tao na naka-itim na cloak.

"Lala sino po yang kausap niyo?" pagtatanong ko kay lala ngunit para bang hindi niya ito narinig at para bang hindi ako naririnig ng mga taong naka-itim na cloak.

"La? Sino po sila?" Muli kong tinanong si Lala, ngunit hindi pa rin sumagot si lala at nanatili pa rin siyang nakatingin sa mga naka-itim na cloak.

"Ibigay mo na siya sa amin kung ayaw mo mapadali ang iyong buhay!" Ibigay? Sinong ibibigay? Kung pera o kayamanan ang habol nila sa amin ay wala kami nun. Mahirap lang kami at kaming dalawa lang ni lala ang magkasama sa bahay.

Namatay ang aking mga magulang dahil sa isang aksidente, papunta na sana sila para sa kanilang pulot-sapot ngunit hindi ito natuloy dahil sila ay na hit and run. Wala din akong maalala patungkol sa aking pagkabata.

Sabi ni lala nadulas ako habang nag lalaro kami ng aking mga kaibigan at tumama ang aking ulo, ngunit wala talaga akong natatandaan na ganoon na pangyayari. Kahit ang mukha ng aking mga magulang ay hindi ko maalala.

"Sinabi ko na sa inyo wala kayong makukuha sa akin."Sagot ni Lala sa mga taong naka itim na cloak. Para bang walang nararamdaman na takot si lala kapag sumasagot sa kanila.

Nasindak ako sa sigaw ng isa sa mga naka itim na cloak.
"Aba'y nagmamatigas ka pa talaga!" Ngunit ang pagsigaw nito ay balewala lamang kay Lala.

May nakita akong lumabas na itim na bola sa kamay ng taong naka itim na cloak, gustong-gusto kong tulungan si lala ngunit para bang may pader na humaharang sa akin upang lapitan sila.

"Kung ganun wala rin kaming makukuha sa iyo wala ka na rin naming kwenta kaya mas mabuti pa yatang tapusin ka na namin."

"Wagg! Lumaban ka pls lala!" pakikipag usap ko kay lala ngunit huli na ang lahat.

Ang bolang itim na galing sa taong nakaitim na cloak ay kanilang ipinatama kay lala at sa huling pagkakataon nakita ko si lala na ngumiti sa akin bago silang lahat mawala na parang bula at nagising na lamang ako nang may tumapik sa aking pisngi.

"Apo ayos ka lang ba?" Pagtatanong sa akin ni lala...Si Lala, buhay si Lala!

Panaginip lang pala yun.

THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon