Chapter 8

45 2 0
                                    

Dedicated to MjaneGeez thanks for following me.

Cass' POV

Friends?

Hayss after ng bonding namin sa school,heto na naman kaming lima,naglalakad sa hallway ng school. Masyado kasi kaming maaga. Paano nagmamadali tong si Chew,gusto niya lang kasi makita yung Blake niya.

"Oh here he is! Bye guys! Kita na lang tayo mamaya!" at ayun sumama na si Chew kay Blake. Kahit kailan talaga yung babaeng yun mangiiwan.

"Guys,pupunta muna ako sa secret garden,masyado pang maaga. Sasama ba kayo?" tanong ko sa kanila

"Ah gagawa ako ng assignment sa library eh" Sally

"Kakain muna ako. Di pa ako nag agahan"Kaye

"Ako din. Puntahan ko lang si Steven" Chay

Ok so ako naman ang naiwan ngayon. Papunta na sana ako sa secret garden ng may humila sa braso. Sobrang higpit ng hila niya sa braso ko,hindi ko siya kilala. The next thing i know nahimatay na ako.

****

Nagising ako sa sakit ng ulo. Andito pala ako sa clinic,dinala ako dito ni...SEAN? Anong nangyari? Bakit may pasa siya sa mukha?

"Anong nangyari?"Tanong ko sa kanya

"May nagbabalak sayo kanina na saktan ka,nakita kita---"

"Tapos? Bakit may pasa ka sa mukha"pagpuputol ko sa kanya

"Nilabanan ko yung gustong nanakit sayo. Ayos ka lang ba?"  concern siya? o kasama lang yun sa pag arte niya. Pero kahit papaano may napakita siyang kabaitan
"Ayos na ako. Balik ka na sa klase niyo. Salamat"

"Wag kang mag alala,pinapunta ko na dito si Calvin. Hinihintay ko lang siyang dumating"

"Ahh okay. Salamat ulit"

"Diba nga,i want you to be my friend. And I'm serious about that. Kung iniisip mong may balak ako sayo,nagkakamali ka. Seryoso ako" mukha nga siyang seryoso. Nakaka confused tuloy. Parang ang bait bait niya.

"Cass! Are you okay?" andyan na pala si kuya calvin.

"Bro,salamat sa pagtawag." sabi naman niya kay Sean.

"Kuya I'm okay."

"Iuuwi na kita. Salamat na lang at naligtas ka ni Sean.Pag nalaman ko kung sinong gumawa neto sayo,humanda siya sa akin."

Inuwi na ako ni Kuya Calvin. Ano ba yan,di man lang ako pinuntahan nila Chew,Chat,Kaye at Sally nakakatampo naman.

Tawagan ko kaya sila? Wag na kaya? Bahala sila mamiss ako.Wala ako sa mood sa ngayon. Wala pang ilang minuto ay may tumawag sa akin. Ang inaasahan ko ay Ang aking mga kaibigan,pero unknown number siya

"Hello?"

"Ah hi Cass. Si Sean toh. Kumusta ka?" Paano nya nalaman number ko.?

"OK lang ako. Paano mo nalaman number ko?" Tanong ko sa kanya.

"Tinanong ko kay Calvin." Kahit kelan talaga epal si kuya Calvin.

"Ah ok. May kailangan ka ba?"

"Wala naman.  Kinamusta lang kita. Sige  bye" sabay baba ng phone.

Ano ba yan,nabobored na ako. Bawal naman daw akong umalis sabi ni kuya calvin. Anong gagawin ko?

"BESHHY!! okay ka lang? Anong nangyari sayo?" Andyan pa lang silang lima. Paano sila nakapasok sa kwarto ko ng walang katok?

The Cassanova Lovers [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon