- Alyssa -

Four days na yung nakaraan nung huli naming pag-uusap ni Dennise ng maayos at nung binigay ni Rad sa akin yung sulat.

"Hoy Alyssa. Magbihis ka na. May training pa tayo." sabi ni Ella.

Mag-uumpisa na yung Afternoon Training ng Team pero wala pa din si Dennise.

"Opo Madam. Susunod nalang ako." Nakangiti kong sabi kay Ella.

"Bilisan mo kung ayaw mong madagdagan yung Rounds ng Jogging mo." Sabi pa nito at lumabas na ng Dorm.



Gusto ko pa sanang hintayin si Den para sabay kaming pumunta sa Gym, pero tama si Ella baka madagdagan pa yung rounds ko..

Kahapon kasi hinintay ko sya pero hindi naman sya umattend, nalate ako ng isang oras kaya ayun! Grabe yung parusa.

"Nasaan ka na ba Den? Masaya ka na siguro doon sa bago mo kaya pati training natin nakalimutan mo na?" Malungkot kong sabi habang naglalakad papuntang Gym.

Oo nga pala, pinakilala na pala ni Den sa buong Team yung Myco, pinsan daw ni Nicole. Kaibigan lang yung pakilala nya sa amin pero base sa inaact nila sa tingin ko pinupormahan na din sya nun.

And isa pa 'yon sa naging sign ko maliban doon sa binigay sa akin ni Rad na sulat.

Speaking of Letter, eto pala yung laman non.

<< Flashback >>

Grabe parang luluwa na yung mata ko dahil sa nabasa ko dito sa letter na binigay ni Rad.

"Congrats Loves!" Sabi ni Rad. Tapos tumayo ito para yakapin ako.

"P-pero Loves paano yung team namin?" Naguguluhan ko pang sabi.

"Siguro naman Loves, maiintindihan naman nila. Dream mo yan! Matagal na. Go and get it!" Sabi ni Loves na nakangiti.

"Yes, pero napalapit na talaga ako sa mga teammates ko." Malungkot na sabi ko.

"Pero panigurado namang suportado ka nila jan eh."

Kung naguguluhan po kayo sa pinag-uusapan namin ni Rad.

Eto po kasi. Nag-apply ako para maging Varsity sa School ni Rad sa Germany. Isang taon na yung nakakalipas hindi pa din ako nakakatanggap ng sulat mula sa kanila. So, I decided na dito nalang mag-aral sa Pinas.

Ngayon, kung kelan naman okay na ako sa Team ko, dumating na sya. Gulong gulo na ako mga Besh!

Gusto kong matupad ang pangarap ko, pero at the same time ayoko namang iwan ng ganun ganun nalang yung Team.

"Hay. Ang hirap Rad."

"Sige, tutulungan kita mag-isip ah." Sabi ni Rad at umupo uli sa upuan nya. "Ang sabi mo kanina, nanghihingi ka ng Sign kung tutuloy ka pang ligawan si Den? Siguro ito na yung sign Loves."

Napa-isip naman ako sa sinabi nya.. Oo nga. Sign, sign, sign! Hayyyy!

Sorry Den.

Pero....



"Fine. I'm in." Seryosong sabi ko.

"Yehey! Thanks Ly!" Masayang masayang sabi ni Rad.

"Hay. Siguro nga sign na to." Defeated kong sabi. "Pero give me one week ah. Sasabihin ko lang sa Team and syempre aayusin ko muna yung credentials ko sa Ateneo."

Why don't you Love me?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!