For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

- Third Person -

Fast forward tayoooo!

Natapos ng 5th set yung UP vs ADMU game, 25-19, 23-25, 25-23,27-25,17-15 in favor sa ADMU.

Pagtapos ng Game ay pumunta si Den sa Dug-out ng UP para puntahan si Nicole.

"Nicole!" tawag ni Den kay Nicole kasi hindi sya nito nakita, may kausap kasi itong isang lalaki.

"Oh, Den! Tamang tama. Halika, may ipapakilala ako sayo. Pinsan ko nga pala si Myco." Sabi ni Nicole sabay hila sa katabi nyang Lalaki. "Myco meet Den. Den, meet Myco."

"Hi Myco/ Hi Den!" Sabay na sabi ni Myco at Dennise.

"Oh, by the way, Nicole oh." Sabi ni Den sabay abot kay Nicole ng Gatorade and Sandwich.

"Salamat Dencio. Para saan to?"

"Pangbawi sa Frenemy ko. Hahaha." Natatawang sabi ni Dennise.

"Sus, nag-alala ka pa 😅" Sabi ni Nicole. "Congrats nga pala. Ang hirap i-block ni Idol Aly."Dagdag pa nito.

"Ikaw nga din ang galing mo eh, hirap saluhin ng palo mo grabe!"

"Sus! puto nga eh." Naka-pout na sabi ni Nicole.

"Uhm, Den, ang galing mo kanina *smiles*" Singit ni Myco.

"Salamat Myco." Nakangiting sabi ni Den.

Napansin naman ni Nicole yung ibang ngiti ng pinsan nya. Crush kasi nito si Den.

"Den, do you want to come with us ni Nicole? Magdi-Dinner kami sa labas eh  Kung gusto mo lang naman?" Sabi ni Myco.

"Sige na Den." Sabi ni Nicole.

May deal kasi si Nicole at Myco na kapag nanalo ang ADMU ngayon, tutulungan ni Nicole si Myco na pumorma kay Denden.

"Ahhhh.. S-sure." Nahihiyang sabi ni Den. Nahihiya sya kasi naman may utang na loob pa sya kay Nicole tapos marereject pa yung simpleng request nya.

Nagulat naman si Den kasi biglang may nagsalita sa likod nya..

"Tara na Den?" Sabi ni Aly..

Bigla namang napasapo sa ulo si Den. Naalala nya palang may usapan sila ni Ly na lalabas sila today. Gusto daw kasing bumawi ng Alyssa.

"A-ah, Ly. Sorry? Pedeng next time nalang naka-Oo na kasi ako sa Dinner na inoffer sa akin nila Nicole and nung pinsan nya. Babawi din ako sa next time! Promise!" Sabi ni Den.

Tumango naman si Alyssa. Bigla naman naisip ni Alyssa yung sign na hinihingi nya...

<< FLASHBACK >>

"Den, please! Babawi talaga ako!" Pagmamakaawa ni Ly kay Den na payagan syang ilabas after ng Game nila today..

Part din to ng sign na hinihingi ni Alyssa kung iiwas na ba sya or magpapatuloy pa sa feelings nya kay Dennise.

"Fine, it's a yes." Napangiti naman si Alyssa sa sinabi ni Den.

Super pinaghandaan talaga ni Alyssa yung mga mangyayari sana after ng game.

Hindi na sya sumabay sa shuttle para bumili ng Chocolates, Stuff toy and Flowers.

Nagpareserve na sya ng isang restaurant na pagkakainan nila mamaya.

"All set na." Nakangiting sabi ni Alyssa bago pumasok ng Arena.

Dahil nga nasa good mood sya, nagtrigger din yon para maka-38pts sya against U.P.

Why don't you Love me?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!