- Dennise -

"Diba nangligaw sayo si Idol Alyssa! Share mo naman yung feeling ng maligawan ka ng isang Alyssa Valdez? My gosh! Phenom na yan oh!" excited na sabi ni Nicole.

Nagulat ako sa tanong nya. Grabe hah! Pati dito sa UP nakaabot yon. Hindi ba nila alam na binasted ko na sya at sinagot ko na non si LA?

"Grabe ah. Nakarating pa yung balitang yon dito sa UP. Wala namang mafi-feel kasi basted sya nung una palang. Besides, nagkaroon ako ng Boyfriend after non, si LA." galit kong sabi.


Nalala ko na naman kasi yung ginawa ng Baldo na yon! Akala nya ah! Hindi ko sya papansinin mamaya!😤😤





"Wow! Ang ganda mo din Girl ah! Ang dami kayang nagkakandarapa kay Phenom pero ikaw... iba ka! At si LA pa talaga sinagot mo." Pang-aasar nitong sabi.

"Ewan ko sayo. Wala na din kami ni LA noh! Tsaka kung gusto mo si Ly, Edi ikaw! Sagutin mo diba gusto mo?"

"Sge! Basta ba ireto mo ako."

"Ayoko nga!" masungit kong sabi.

"Sus! Binusted daw pero ayaw din pala ipamahagi. Pakipot ka din e no? Kunwari hindi daw gusto."

"Eh h--hindi naman talaga eh. Hindi ko sya irereto sayo, kasi meron na yong iba! Yung courtside reporter namin."

"Selos ka naman?"

"Duh. No! Pagbuhulin ko pa sila eh."

"HAHAHAHA. Nagseselos ka nga."

"Hindi nga ako nagseselos!" Asar kong sabi.

"Talaga? Promise? Eh bakit parang defensive ka?"

"T-talagang talaga! Promise hindi talaga."

"Ma-ACL man?" Sabi nito with matching nakakatakot na ngiti.

Naalala ko naman yung teammate ko dati na nagkaroon non, grabe! Ayoko maranasan yon! 😩



"Grabe naman yung ACL! Oo na! Takot ko lang magka-ACL. Fine, nagseselos ako! Nagseselos ako kasi yung effort at time binibigay nya sa Courtside reporter namin ganun din yung effort na pinapakita nya sa akin dati." malungkot kong sabi.

"Owwwww..." Sabi nya. "Its okay lang Dencio. Ganito nalang, hahanapan nalang kita ng bago." Masiglang sabi ni Nicole.

"Duh! Hindi ko na kailangan ng bago. Ii-enjoy ko muna yung pagiging single ko."

"Naks! Iba din to! Hahahaha. Cheersss! Mabuhay ang mga single." Sabi ni Nicole tapos iitinaas nya yung bote ng C2 na hawak nya.






Natawa lang ako sa ginawa nya. Kinuha ko yung Cellphone ko.

23 messages from Alyssa
18 missed calls from Alyssa

Neknek mo! Manigas kang ungas ka! 😤



"Tara Nicole, selfie tayo! Tapos ipopost ko to sa Insta."

"Sure."

Pagtapos ng picturan, pinost ko na yung picture naming dalawa.

denniselazaro: My date for tonight ❤ #Isaw

As usual, flood likes and comments na naman.

"Grabe ang famous mo naman. Dami na agad likes ng picture na pinost ko." Pagbibiro ko.

"At ang dami na din nating Shippers. Hahahaha."

Pagtingin ko sa comments puro 'NicDen' yung comment. Hahahaha!

"Hahahaha. Kung alam lang nila kung gaano natin ka-hate ang isa't isa."

"Yeah right!" Natatawang sabi nito. "Oh, it's already 8:37. Ihahatid na kita. Tara!"

"Maglalakad tayo?"

"Tungak hindi, nasa parking lang yung kotse wait hintayin mo ako dito."

  
    
   
After 20 minutes, nakarating na kami sa Dorm. Nakakatawa kasi hindi makapaniwala si Ella na nagkasundo kami ni Nicole. Gusto pa sana naming pastayin si Nicole sa Dorm kaso tinawagan na sya ni Ate Kathy at pinapa-uwi na.

To be continued...

Why don't you Love me?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!